Nahihirapan bang mahanap ang business mo sa Google?
Kung may negosyo ka—kahit sari-sari store, café, clinic, o home-based business—pero hindi pa listed sa Google Search o Google Maps, baka ito na ang dahilan kung bakit ka nami-miss ng customers mo.
In this blog post, tuturuan kita step-by-step kung paano ipa-list ang business mo sa Google gamit ang Google Business Profile (formerly Google My Business).
Madaming Pinoy business owners ang nakaka-relate sa ganito:
- “Boss, saan banda kayo?”
- “Legit ba ‘to? Wala sa Google.”
- “May Facebook page kayo pero wala sa Maps?”
Kapag hindi ka listed sa Google, ang daming opportunities na nawawala:
-Walang walk-in customers
-Mababa ang tiwala ng new clients
-Sayang ang marketing efforts
Alam mo ba, karamihan ng customers ngayon ay nag-Google muna bago bumili o bumisita sa store?
Kung wala ang negosyo mo sa search results, parang wala ka na rin sa mapa.
Trust issue agad.
Sayang ‘di ba?
Solution? Gamitin ang Google Business Profile (Libre ‘to!)
Good news—libre lang ‘tong tool na ‘to, and super effective para maging searchable ang negosyo mo.
Step-by-Step Guide: Paano Ipa-List ang Negosyo sa Google
STEP 1: Pumunta sa: https://business.google.com/create.
STEP 2: Mag-click sa “Manage Now”
Gamitin ang Gmail mo—preferably yung pang-business.

STEP 3: Ilagay ang Business Name
Halimbawa: “Selyado Packaging Supplies – Montalban“

STEP 4: Piliin ang Business Category\
E.g., “Packaging Supplies,” “Salon,” “Laundry Service”
STEP 5: Maglagay ng Address (optional kung online ka lang)
Para makita ka sa Maps. Check mabuti kung tama ang location pin! 📍

STEP 6: Ilagay ang Contact Info
Phone number at website (kung meron)

STEP 7: I-verify ang Business
Magpapadala ang google ng Code sa phone number mo para ma verifiy ito. Then hintayin nalang na mag email si Google once na verified na ang Business Profile mo.

Once Verified, Here’s What You Get:
✅ Visible ka na sa Google Search & Maps
✅ Pwede kang mag-post ng promos, updates, at events
✅ Customers can leave reviews = social proof!
✅ FREE exposure without ad spend
Tips to Maximize Your Profile
- Mag-upload ng malinaw na photos ng store/products
- I-update ang hours regularly (lalo na kung holiday)
- Mag-reply sa reviews (good or bad)
- Gamitin ang FAQ at messaging feature
Sa panahon ngayon, hindi sapat ang Facebook page lang.
Kailangan din ng presence sa Google para makita, mapuntahan, at mapagkatiwalaan ka ng customers.
At ang pinaka-good news? Libre ‘to.
So kung hindi pa listed ang business mo, today is the best time to do it.

Kelvin Clint Quinto is a father of 5 kids, an author, blogger, vlogger, full-time online entrepreneur, and an online business coach.
After experiencing countless rejections and failures, Kelvin Clint Quinto learned the exact knowledge, skill, and mindset that an online entrepreneur must have in order to be successful.
With his 9 years of experience in the internet marketing world, he is now on a mission to help 10,000 Filipino employees start and grow an online business through his training and coaching programs.











