Five Home-Based Online Business with Zero Capital
Kamakailan lamang ay iminungkahi ng ating pangulo na si Rodrigo Duterte ang “Work from home” sa lahat ng pambribado at pambublikong sektor sa buong metro manila sa kabila ng pagpapatupad ng enhanced community quaratine upang maiwasan ang pagkalat ng covid-19.
Dahil dito, napakaraming pilipino ang naapektuhan dahil hindi naman lahat ay kayang dalhin o gawin sa bahay ang kanilang mga trabaho.
Pero kung ikaw ay isang online entrepreneur ay malamang hindi ka apektado sa pangyayaring ito dahil maari ka paring kumita kahit nasa bahay ka lang.
Ang problema ay hindi lahat alam o may ideya kung paano kumita ng pera online o kaya naman ay takot sumubok dahil natatakot na baka ma iscam lamang ito.
Pero hindi lahat ng online business ay scam. Ang kailangan mo lang ay tamang kaalaman sa negosyo na papasukin mo. Dahil kung may alam ka ay malabong ma iscam ka.
Suggested post: 5 Tips para makaiwas sa Pyramiding Scheme
Ngayon ay ibabahagi ko sa’yo ang limang lehitimong paraan kung paano ka maaring kumita ng pera kahit nasa bahay ka lang gamit lamang ang laptop at internet.
Five Home-Based Online Business with Zero Capital.
- Freelancing
Ito ay yung babayaran ka ng ibang tao kapalit ng serbisyo mo. Halimbawa na lamang ay yung pagiging virtual assistant, pag gawa ng logo, website contents o mobile app, pag manage ng mga social media accounts at marami pang iba depende sa kakayahan mo.
Isa sa pinaka sikat na freelance services marketplace ay ang Fiverr kung saan ay maari kang kumita ng $5-$100 dollars sa bawat job na matapos mo.
Napaka in-demand ng ganitong klaseng business dahil napakaraming mga business owners ngayon ang wala nang oras para mag manage ng mga social media accounts nila, para gumawa ng logo o website contents kaya naghahanap nalang sila ng ibang tao na gagawa nito para sa kanila kapalit ng maliit na halaga upang makapag focus sila sa ibang bagay na mas makakatulong sa paglago ng negosyo nila.
So it’s a Win-Win situation para sa mga freelancer at business owners. - Affiliate Marketing
Yung pangalawa naman sa listahan natin ay yung affiliate marketing.
Ito naman yung pagbebenta ng produkto ng iba na kung saan ay sa bawat maibenta mo ay magkakaroon ka ng komisyon.
Suggested post: Ano nga ba ang Affiliate Marketing at paano kumita dito
Napakaraming mga affiliate networks ngayon ang handang magbigay ng 5%-50% na komisyon sa bawat produkto na maibenta mo.
Halimbawa na lamang ay ang Involve.asia, shareasale, clickbank at jvzoo at marami pang iba.
Dito naman sa pilipinas ay maari kang maging affiliate ng shopee or lazada kung saan ay maari kang kumita nang 5%-10% na komisyon.
Medyo mababa lang pero ang kagandahan ay wala ka namang nilabas na pera at hindi ka nag stock ng inventory dahil produkto ng ibang tao ang binebenta mo.
Hindi mo narin poproblemahin pa ang packaging at delivery ng bawat maibenta mo dahil ang seller na mismo ang gagawa neto.
Ang litrato sa ibaba ay ang kasalukuyang kinita ko sa lazada bilang isang affiliate.
Kapag naging affiliate ka ng isang affiliate network company ay magkakaroon ka nang tinatawag na affiliate link kung saan ay ito ang ishi-share mo sa social media accounts mo o sa mga kaibigan mo at kapag may nag click sa affiliate link mo at bumili ng kahit na anong produkto ay doon ka magkakaroon ng komisyon na makikita mo rin sa loob ng account mo.
UPDATE: Hindi pa tumatanggap ang lazada ng mga bagong affiliates ngayon. Kung gusto mo parin maging affiliate ng lazada ay pwede ka mag sign up sa involve.asia.
Basahin ang blogpost ko kung paano maging affiliate ng malalaking online marketplace dito sa Pilipinas kagaya ng lazada. - Ecommerce or Dropshipping
Ang ecommerce or dropshipping business naman ay medyo may hawig sa affiliate marketing dahil kagaya neto ay hindi mo narin kailangan mag stock ng inventory so wala kang ilalabas na pera at hindi mo narin poproblemahin ang packaging at shipping ng products mo.
At kung sa affiliate marketing ay kikita ka sa komisyon ng bawat maibenta mo, sa dropshipping naman ay kikita ka sa patong o mark up na ilalagay mo sa bawat produckto na binebenta mo.
Suggested post: Ano nga ba ang Dropshipping
Sa ganitong klaseng business model ay kailangan mo magkaroon ng sarili mong online store.
Isa sa pinaka sikat na ecommerce platform solution ay ang shopify. Dito ay makakagawa ka ng sarili mong online store kahit hindi ka techy.
Ngayon ay bibigyan kita ng halimbawa kung paano gumagana ang dropshipping business model.
Halimbawa ay mayroon ka nang online store at supplier ng products mo. Once na may bumili sa online store mo ay saka mo palang din bibilhin kay supplier yung product at iaaddress mo na doon sa customer mo.
Si supplier na ang bahalang mag pack at mag deliver sa address na binigay mo at ang kagandahan pa ay pwede mong sabihin kay supplier na ilagay yung pangalan ng shop mo so hindi malalaman ni buyer/customer na kay supplier pala galing yun.
At kagaya nang sabi ko kanina na kikita ka dito sa pamamagitan ng paglalagay ng mark up o patong sa bawat produkto na binebenta mo. Halimbawa nagkakahalaga ng $10 yung product mula kay supplier, pwede mo itong patungan ng 40%-70% mark up so maibebenta mo ito ng $14-$17.
4. . Selling Your Own Digital Product
Kung sa affiliate marketing ay kikita ka ng komisyon lamang at sa dropshipping naman ay kikita ka sa pamamagitan ng mark up, dito naman kikita ka ng 100% dahil sarili mong produkto ang binebenta mo.
Ang kagandahan pa ay digital products ito, ibig sabihin maari mo itong ipadala gamit lamang ang internet.
Ilan sa halimbawa ng mga digital products ay ebook at online courses or trainings.
Napakaraming pilipino ngayon ang nagsi-search online tungkol sa isang bagay na hindi nila alam.
So kung ikaw ay mayroong alam na isang bagay ay pwede mo itong gawan ng ebook or online course.
Dahil tiyak na maraming pilipino pa ang hindi alam ang isang bagay na alam mo.
Halimbawa na lamang ay may alam kang paraan kung paano magbawas ng timbang sa loob ng isang buwan. Pwede mo itong gawan ng ebook na may pamagat na “How to loose weight in 30 days”.
Sa tingin mo ilang pilipino ang gustong magbawas ng timbang pero nahihirapan dahil hindi nila alam kung paano? For sure madami…At handa silang magbayad ng kahit na magkano sa ebook mo.
Ang isa pang kagandahan sa ganitong klaseng business ay nakikilala ka ng tao. Nakakabuo ka ng sarili mong brand. At nakukuha mo ang tiwala ng tao so hindi malayo na magiging repeat customers mo sila. Ibig sabihin, everytime na may ilalabas kang bagong produkto ay bibili at bibili sila. So nakatulong ka na nakikilala ka pa.
Ilan sa pinaka kilalang pangalan dahil sa pag gawa ng mga ebooks at online courses/trainings dito sa pilipinas ay sila Bo Sanchez, Chinkee Tan, Eduard Reformina, Fibo Lim at napakarami pang iba.
5. Blogging and/or Vlogging
Ngayon ay pumunta na tayo sa ika lima at panghuling paraan na ituturo ko sa’yo kung paano ka maaring kumita ng pera online.
Ito yung pinaka paborito ko sa lahat. Ito ay ang blogging at vlogging.
Gusto ko lang linawin na magkaiba ang dalawang bagay na ito.
Sa blogging ay ito yung pagsusulat ng mga website content or articles kagaya ng binabasa niyo ngayon. At sa vlogging naman ay ito yung pag gawa ng mga viral videos or pagshishare din ng kaalaman gamit ang videos.
Kadalasang tawag din sa mga vlogger ay youtuber dahil youtube ang ginagamit nilang platform para ishare ang mga videos nila.
Ngayon ang tanong ay paano ka maaring kumita dito?
Sa blogging ay maari kang kumita sa pamamagitan ng mga advertising networks kung saan ay maglalagay sila ng ads sa website mo. Isa sa pinaka sikat at highest paying na advertising network ngayon ay ang google adsense.
Suggested post: Paano kumita sa Google Adsense gamit ang iyong blog
Maliban sa advertising networks, maari ka ring kumita sa pagbebenta ng advertising space sa blog mo. Napakaraming company ngayon ang handang magbayad sa paglalagay lamang ng banner ads nila sa website mo.
Sa vlogging naman ay maari kang kumita sa kanilang youtube partner program. Google adsense din ang magbabayad sa’yo dito.
Kapag eligible na ang channel mo para ma monetize ay pwede ka nang mag apply sa youtube partner program.
Kapag na approve ka ay magsisimula nang maglagay si youtube ng ads sa mga videos mo at magsisimula ka naring kumita.
Suggested post: Paano Kumita ng Pera sa Youtube
Isa pang paraan para kumita sa iyong vlog ay sa pamamagitan ng pagpopromote ng affiliate products.
Halimbawa ay may nabili ka sa lazada, pwede mo itong gawan ng review at ilagay sa description ang iyong affiliate link.
Kapag may nag click at bumili gamit ang iyong affiliate link ay magkakaroon ka ng komisyon.
At yan po ang limang lehitimong paraan para kumita sa intenet. Napakarami pang paraan pero kung nagsisimula ka palang ay ito ang pinaka madali dahil hindi mo din kailangan maglabas ng kapital.
Salamat sa pagbabasa. Kung may natutunan ka sa post ko na ito ay huwag kalimutang ishare at mag iwan ng comment kung may mga katanungan ka.
Kelvin Clint Quinto is a father of 5 kids, an author, blogger, vlogger, full-time online entrepreneur, and an online business coach.
After experiencing countless rejections and failures, Kelvin Clint Quinto learned the exact knowledge, skill, and mindset that an online entrepreneur must have in order to be successful.
With his 9 years of experience in the internet marketing world, he is now on a mission to help 10,000 Filipino employees start and grow an online business through his training and coaching programs.
Very informative, I’m very interested na matuto kahit Isa SA 5 ways kumita gamit Ang YouTube .Sana matulungan mko I’m a solo parent althou right now blessed may trabaho at home as call center but it’s not enough considering I’m raising 2kids by myself..