fbpx

Paano kumita sa Google Adsense gamit ang iyong blog

Napakarami nang mga pilipino ngayon ang kumikita ng passive income sa internet. Isang paraan na dito ay ang pagsusulat ng kagiliw giliw na topic o paksa.

Ang tanong paano sila kumikita?
Ito ay sa pamamagitan ng paglagay ng advertisement sa kanilang blog.

Maraming mga advertising network ngayon ang handang magbayad sa’yo sa paglalagay lamang ng ads sa iyong blog or website.

Ang pinakakilala at highest paying na advertising network ngayon ay ang pagmamay ari ng Google, ito ay ang Google Adsense.

Katulad ng maraming advertising network ay kailangan mo din munang maaprobahan bilang isang publisher ng Google Adsense para makapagsimula kang kumita sa pamamagitan ng paglagay ng mga advertisement sa blog or website mo.

Madali lamang maaprobahan sa Google Adsense at walang limit ang pag aapply sa kanila dahil kapag hindi ka na aprubahan ay papadalhan ka nila ng email kung ano ang kailangan mong baguhin sa blog mo at pwede ka nang mag apply ulit.

Narito pala ang screenshot ng aking kinita sa Google Adsense.

Medyo humina lamang ngayong buwan dahil sinara ko muna ang website ko for maintenance.

Ngayon ay ituturo ko naman sa’yo kung ano ang mga bagay na dapat mong isa-alang-alang bago ka mag apply bilang isang publisher ng Google Adsense.

1. Una ay kailangan mong magkaroon ng isang website kung saan ka magsusulat ng mga articles o topic mo.

Pwede kang gumamit ng wordpress or blogger platform. Kung ikaw ay isang baguhan, I suggest na magsimula ka sa blogger.com .

Ang problema lang kapag gumamit ka ng blogger ay ganito ang magiging hitsura ng domain mo (www.example.blogspot.com) dahil hosted ito sa blogger.

Pero ang kagandahan ay libre ito hindi kagaya ng wordpress na kailangan mong bumili ng hosting gaya ng bluehost, a2hosting, namecheap at iba pa para magkaroon ka ng sarili mong blog.

Huwag kang mag alala kahit blogger lang ang gamit mo, later on kapag handa ka nang mag apply sa Google Adsense ay pwede kang bumili ng sarili mong domain kagaya nito www.kelvinclintquinto.com sa Godaddy.com at ikonek sa blogger mo, isa ito sa mga kailangan mo para ma approve sa Google Adsense.

2. Mag isip ng magandang niche o topic at magsulat ng 15 hanggang 20 na articles tungkol dito.

Pumili lamang ng isang niche o topic na isusulat. Narito ang ilan sa mga niche na talagang pinag uusapan ngayon.

*Health and Fitness
*How to Make Money
*Food
*Beauty
at marami pang iba..

Siguraduhin na piliin mo ang niche na naayon sa hilig mo para mas madali mo itong maisulat.

Munting paalala lang, hindi mo pwedeng kopyahin ang ibang articles na makikita mo sa internet, dahil malalaman nila ito at maaring ma ban ang account mo sa kanila.

Napakatalino ni Google Adsense, higit pa sa inaakala mo.

Kapag may napili ka nang niche ay magsulat ng 15 hanggang 20 na paksa tungkol sa niche na napili mo.

Hindi ka maaapprove kapag kaunti lang ang naka lagay sa website mo.

Siguraduhin mo din na talagang interesting basahin ang articles mo, yung tipong may matututunan ang nagbabasa neto.

3. Huwag muna lagyan ng ibang ads ang blog mo hangga’t hindi pa ito ini-a-approved ni Google Adsense.

Ito ang kadalasang ginagawa ng ibang online entrepreneur, pinu-puno agad ng banner ads ang kanilang blog sa kagustuhang kumita agad.

Maaring ang ads na ito ay about affiliate marketing kung saan nag popromote sila ng products ng iba kagaya ng lazada kung saan ay kikita sila ng komisyon kapag may nag click at bumili ng product na yun.

Pwede ring MLM or business opportunity ads na kung saan sila ay kasali.

Pwede mo namang gawin yan kapag na-approved ka na, pero habang hindi pa ay dapat malinis tingnan ang blog mo.

Mas papaburan ka kasi ni Google Adsense kapag walang ibang ads na nakalagay sa website mo.

4. Maglagay ng About Me, Contact Me ,Privacy Policy at page sa blog mo.

Gusto din ni Adsense na mag-mukhang professional tingnan ang blog mo so kailangan mo ang tatlong bagay na to.

*About Me – Para makilala ka ng mga taong nag-babasa ng post mo kung dapat ka ba nilang pag-katiwalaan.
*Contact Me – Dapat din ay alam ng bumibisita sa blog mo kung paano ka nila mako-kontak in case na may mga concerns sila.
*Privacy Policy – Ito ang pinaka importante sa lahat, dapat ay alam ng mga visitors ng blog mo ang mga data na kinokolekta mo sa kanila.

5. Basahin at pag-aralan ang Adsense Program and Content Policies

Dapat ay alam mo ang mga hindi dapat ipost na naayon sa policy ng Google Adsense.

Ilan sa ayaw ni adsense na talakayin mo sa topic mo ay ang tungkol sa mga pornograpiya, tutorial sa pag hack, illegal drugs at marami pa.

Kaya make sure na mabasa mo muna ito.

Kapag nagawa mo na ang limang yan ay handa ka nang mag apply bilang publisher ng Google Adsense.

Pumunta lamang dito https://www.google.com/adsense/start at iclick ang Get Started.

Sundan step by step at ilagay kung anong hinihingi nila.

Make sure na tama at kumpleto ang pangalan at address mo dahil diyan nila ipapadala ang PIN (Personal Identification Number) mo kapag umabot na sa $10 ang kinita mo para ma-verify ang account mo.

At kapag naman umabot na sa $100 ang kinita mo ay ipapadala na sa’yo ni google adsense ang kinita mo via wire transfer o western union.

Huwag dapat magmadali sa pag apply sa Google Adsense Program, kailangan mong samahan ng sipag, tiyaga at didikasyon para dito.

Salamat sa pagbabasa. Kung may natutunan ka sa post ko na ito ay huwag kalimutang ishare at mag iwan ng comment kung may mga katanungan ka.

Spread the love
  • 15
  • 8
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    23
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *