Ano nga ba ang E-commerce at paano ka makakapag simula ng sarili mong e-commerce business?
Ang E-commerce or yung tinatawag din na electronic commerce is a business transaction conducted electronically on the internet.
Sa madaling salita, kung ikaw ay may binili or may ibinenta online, either physical or digital products, that is e-commerce.
Pamilyar ka naman siguro sa Amazon, Alibaba, Aliexpress at Ebay, yan yung ilan sa pinaka malalaking e-commerce platform o online marketplace sa buong mundo.
Dito naman sa Pilipinas ay meron tayong Lazada, Shopee, at Zalora
Kapag may binili ka o may ibinenta sa mga online marketplace na yan, that is e-commerce.
Alam mo ba na ang pinaka mayamang tao sa buong mundo ngayon ay si Jeff Bezos?
Ano ang business niya? E-commerce. Siya yung may-ari ng amazon, ang pinakamalaking online marketplace sa buong mundo.
Nagpapakita lamang ito na talagang patok na patok na ang e-commerce business ngayon sa buong mundo.
Lalo na ngayong panahon ng pandemic ay mas lalong tumaas ang kinikita ng mga nag ee-commerce business kaya napaka ganda ng pagkakataon na ito para magsimula ka narin ng sarili mong e-commerce business.
Ngayon naman ay ishi-share ko sa’yo kung paano ka makakapag simula ng sarili mong e-commerce business.
2. Sell On lazada
Ang lazada ay ang pinakamalaking online marketplace hindi lamang dito sa Pilipinas kundi sa buong south east asia.
Millions ang visitors ni lazada araw-araw.
Ibig sabihin ay napakalawak ng market mo kaya malaki ang chance na talagang magkakaroon ng benta ang lazada shop mo.
May ginawa akong video tutorial kung paano ka makakapag simulang magbenta sa lazada.
Panoorin dito: https://youtu.be/r2YquqQfFzw
3. Join Lazada Affiliate Program
Dito naman ay hindi mo kailangan maglabas ng puhunan.
Hindi mo rin kailangan ng sarili mong produkto
Ang tawag sa business model na ito ay Affiliate marketing.
Pwede mong i-promote ang product ng ibang seller sa lazada na kung saan ay magkakaroon ka ng komisyon everytime na makabenta ka.
May ginawa din akong video tutorial kung paano maging affiliate ng lazada.
Panoorin mo dito: https://youtu.be/oggvv8lyXPA
Salamat sa pagbabasa. Kung may natutunan ka sa post ko na ito ay huwag kalimutang ishare at mag iwan ng comment kung may mga katanungan ka.
P.S. Click here if you want to learn how to start a dropshipping business on lazada philippines.
Kelvin Clint Quinto is a father of 5 kids, an author, blogger, vlogger, full-time online entrepreneur, and an online business coach.
After experiencing countless rejections and failures, Kelvin Clint Quinto learned the exact knowledge, skill, and mindset that an online entrepreneur must have in order to be successful.
With his 9 years of experience in the internet marketing world, he is now on a mission to help 10,000 Filipino employees start and grow an online business through his training and coaching programs.