fbpx

Facebook Professional Mode Explained!

Alam mo ba na maari mo nang pagkakitaan ang facebook Profile mo!?

Yes tama ang nabasa mo. Maari ka nang kumita sa facebook gamit ang personal profile mo sa pamamagitan ng pag turn on ng “Professional Mode”.

What is professional mode? Professional mode allows you to build a public presence as a creator and maintain your personal friends and family experience from one place on Facebook—your profile. – Facebook

Kung dati ay kailangan mayroon kang facebook page na may maraming followers, ngayon ay hindi na.

Basta’t meron kang facebook account/profile, ay maari mo na itong pagkakitaan.

Paano? Kailangan mo lang i-turn on ang “Professional Mode”.

Laptop/Desktop version:

turn on professional mode pc

Mobile version:

turn on professional mode mobile

Anong mangyayari kapag nagawa mo na ito?

Lahat ng facebook friends mo ay magiging followers mo na!

At lahat ng bumibisita sa profile mo na hindi mo pa friend ay hindi na “Add friend” ang makikita nila kundi “Follow“.

Isang paraan ito ni facebook para dumami agad ang followers mo.

turn on professional mode

At magkakaroon ka na rin ng access sa “Professional Dashboard” kung saan makikita mo ang iba’t-ibang professional tools ni facebook kabilang na riyan ang “Monetization Tools“, kagaya ng Reels, In-stream ads, Stars, Subcription at iba pa.

monetization tools facebook

Pero tandaan na ang bawat monetization tool ni facebook ay may kanya-kanyang requirements na dapat mong maabot upang maging eligible ka dito at magsimulang kumita sa mga videos mo.

Halimbawa na lamang sa In-stream ads kung saan ay dapat mayroon kang 10,000 followers at 600,000 eligible minutes viewed in the last 60 days.

Medyo may kahirapan diba? Pero walang mahirap kung seryoso ka at gusto mo talagang kumita sa facebook.

Sa reels naman ay walang binanggit si facebook na requirements dahil “By invitation” lamang ito.

Ibig sabihin ay si facebook ang namimili kung sino ang gusto niyang magsimulang kumita sa pamamagitan ng reels.

Kaya dapat ay tuloy-tuloy ka lang sa pag-upload ng mga reels mo.

Maraming mga content creator ngayon na kahit hindi sikat o kilala ay nagsisimula nang kumita sa facebook gamit lamang ang kanilang personal facebook account/profile na ginawang professional mode.

Meron din namang iba na nagsisimula pa lamang at hindi pa kumikita.

Ang mahalaga ay nalaman mo na posible talagang kumita sa facebook ngayon na maaring makapag-paginhawa ng buhay mo balang araw..

Salamat sa pagbabasa. Kung may natutunan ka sa post ko na ito ay huwag kalimutang ishare at mag iwan ng comment kung may mga katanungan ka.

Make sure na panoorin mo ang video sa ibaba para sa step-by-step tutorial kung paano i-turn on ang professional mode

kelvin clint quinto

Kelvin Clint Quinto is a father of 5 kids, an author, blogger, vlogger, full-time online entrepreneur, and an online business coach.

After experiencing countless rejections and failures, Kelvin Clint Quinto learned the exact knowledge, skill, and mindset that an online entrepreneur must have in order to be successful.

With his 9 years of experience in the internet marketing world, he is now on a mission to help 10,000 Filipino employees start and grow an online business through his training and coaching programs.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *