Kapag naririnig natin ang marketing, madalas ang unang pumapasok sa isip natin ay paid ads. Pero alam mo ba na may paraan para mag-generate ng leads sa business mo or kumita online nang hindi kailangang magbayad ng malaki?
Dito papasok ang Organic marketing. Maraming iba’t-ibang paraan para gawin ang Organic marketing, pero mag focus tayo sa mas madali at effective na paraan, ang Content Creation Marketing.
Content creation tulad ng blogs at videos o vlogs. Ito ay napaka-powerful at budget-friendly na paraan para mag-build ng audience at makakuha ng leads!
Bakit Content Marketing?
Ang content marketing ay tulad ng pagbibigay ng value sa mga tao bago pa man sila bumili ng product o services mo. Hindi ito yung pushy na paraan kung saan pilit mo silang binebentahan agad. Ang goal mo dito ay magbigay ng helpful na content na tutugon sa mga pangangailangan at katanungan ng target audience mo.
Kapag consistent ka sa pagbibigay ng quality content, nagsisimula kang maging trusted resource sa niche mo, kaya’t unti-unting lalapit ang mga potential customers sa’yo. Walang pressure, kundi tulungan lang sila, at in return, sila na mismo ang maghahanap ng serbisyo mo.
Creating Blogs and Videos: Where the Magic Happens
Para sa organic marketing, ang blog at videos ang dalawang pinaka-epektibong content na pwede mong gamitin. Here’s why:
1. Blogging for SEO, Authority, and Income
SEO at Expertise: Ang blogging ay hindi lang para magbigay ng impormasyon. Ito rin ay isang paraan para makapag-build ka ng authority sa niche mo. Kapag sinasagot mo ang mga tanong ng target audience mo sa blog posts, tataas ang ranking ng blog mo sa Google. Halimbawa, kung nasa real estate ka, pwede kang gumawa ng blog post tulad ng “How to Save for Your First Home” o “5 Steps to Invest in Property in the Philippines.”
Dahil dito, makikilala ka bilang isang expert, at tataas ang chance na maging clients sila dahil sa value ng content na inaalok mo.
Paano Kumita? Bukod sa makakapag-generate ka ng leads, pwede ka ding kumita sa pamamagitan ng Google AdSense. Kapag na-approve ang blog mo para sa AdSense, makakakuha ka ng kita every time may nag-click o tumingin ng ads na ipinapakita sa blog mo. Pwede mo ring gamitin ang affiliate marketing—ilagay ang mga affiliate links sa mga blog posts at mag-promote ng products na related sa topic mo . Kaya hindi lang leads ang pwede mong makuha, kundi pati na rin ang extra income mula sa ads at affiliate commissions.
2. Videos for Connection, Reach, and Income
Connection at Engagement: Kapag video ang gamit mo, mas personal at malalim ang connection na nabubuo mo sa audience mo. Sa pamamagitan ng videos o vlogs, nakikita ng audience ang personality mo at kung paano ka mag-deliver ng value. Hindi tulad ng blog, vlogging offers a more human touch. Ang video content ay talagang gumagana ng maayos at napaka-effective sa mga social media platforms.
Subukan mong gumawa ng short educational videos—tutorials, tips, o mga sagot sa FAQs. Kapag regular kang nagpo-post ng ganitong videos, lalaki ang audience mo na hindi mo kailangan bayaran gamit ang ads!
Monetize Through YouTube at Lead Capture: Kung YouTube ang gamit mo, pwede kang kumita ng pera sa pamamagitan ng Google AdSense once na ma-monetize ang channel mo. Bukod sa kita mula sa ads, pwede mo rin gamitin ang YouTube description box para mag-capture ng leads—pwede mo i-promote ang sarili mong produkto o mga affiliate offers.
Ang magandang bagay sa video content? Direkta at epektibo ito para makuha ang tiwala at interest ng audience mo, kaya’t habang tumatagal, mas lumalakas ang chance na mag-convert sila sa actual customers.
Remember: Value at Consistency ang Key!
Sa content marketing, hindi agad-agad makikita ang resulta. Ang success mo ay nakasalalay sa kung paano mo binibigyan ng halaga ang audience mo. Kung regular kang magpo-post at magbibigay ng quality content na tumutugon sa kanilang pangangailangan, magsisimula silang magtiwala sa’yo. At kapag tumutok ka sa pag-aalok ng value sa halip na mag-push ng benta, ang leads ay darating nang natural.
Hindi lang iyon—habang nagbu-build ka ng community at trust, pwede ka rin kumita. Mula sa Google AdSense hanggang sa affiliate marketing, mayroon kang iba’t ibang paraan para kumita mula sa content na ginagawa mo.
Saan Ka Pa?
Organic marketing through content creation isn’t just about growing your audience—it’s about creating a solid foundation for long-term success. Consistency in value and engagement will help you grow your brand, build trust, and most importantly, earn online. Organic marketing is truly a game changer for anyone looking to establish a presence, grow leads, and build a sustainable online business.
So, ready ka na bang mag-start? Let’s create content that not only brings value but also helps you earn!
Kelvin Clint Quinto is a father of 5 kids, an author, blogger, vlogger, full-time online entrepreneur, and an online business coach.
After experiencing countless rejections and failures, Kelvin Clint Quinto learned the exact knowledge, skill, and mindset that an online entrepreneur must have in order to be successful.
With his 9 years of experience in the internet marketing world, he is now on a mission to help 10,000 Filipino employees start and grow an online business through his training and coaching programs.