Naranasan mo na bang kumain sa isang restaurant at talagang natuwa ka dahil sa sobrang sarap ng mga pagkain nila?
Yung tipong ikwenento mo pa sa mga kaibigan mo kung gaano kasarap ang mga pagkain sa restaurant na yun kaya pati sila ay na engganyo mong kumain doon?
O kaya naman, naranasan mo bang bumili ng isang bagay online at talagang nagustuhan mo ito dahil napakaganda ng quality at naka sale pa?
Kaya ang ginawa mo ay nag message ka sa kaibigan mo para ikwento ang nabili mo online dahil naka sale ito kaya ang resulta ay bumili din ang kaibigan mo?
Ngayon ang tanong ko,
Kumita ka ba dahil doon sa ginawa mong pagsishare sa mga kaibigan mo?
Marahil ay nagtataka ka kung bakit ko sinasabi ang mga bagay na ito at kung anong kinalaman nung mga tanong ko na yun sa topic natin ngayon.
Huwag kang mag alala dahil maya maya lang ay mauunawaan mo rin ang gusto kong iparating.
Ngayon ay pag usapan na natin kung ano nga ba ang Affiliate Marketing at kung paano kumikita ang napakaraming pilipino dito.
Tingnan mong maigi ang litrato sa itaas. Kung babalikan mo ang kuwento ko kanina, marahil ngayon ay alam mo na ang ibig kung sabihin.
Ganyan ang proseso ng Affiliate Marketing. Ang pagpopromote ng produkto ng ibang tao kapalit ng komisyon. Maaring ito ay physical or digital products.
Ang kagandahan sa Affiliate Marketing ay hindi mo kailangan ng malaking kapital o minsan hindi mo kailangan maglabas ng pera para makapagsimula.
Hindi mo rin kailangan mag stock ng mga products sa bahay mo kaya walang sakit sa ulo dahil walang “inventory”.
At ang kagandahan pa sa ganitong klaseng business, ay maari mo itong gawin gamit lamang ang iyong laptop o cellphone kahit nasaang lugar ka pa basta’t mayroong internet.
At kahit may trabaho ka pa ay walang problema dahil puwede mo itong gawin part time.
Ang nakikita nyo sa itaas ay ang mga affiliate commisions ko sa iba’t-ibang Affiliate Networks na sinalihan ko noong nagsisimula palang ako sa Affiliate Marketing.
Kaya masasabi ko na talagang nagwowork ang ganitong klaseng business.
Ngayon marahil ang tanong mo ay kung “Paano ka makakapagsimula bilang isang Affiliate Marketer.“
Simple lang, narito ang mga dapat mong gawin:
- Maghanap ng Affiliate Networks na nagbabayad ng malaking komisyon.
Napakaraming Affiliate Networks ngayon sa ibang bansa ang handang magbayad sa’yo ng 20%, 30% or up to 50% na komisyon sa bawat produkto nila na maibenta mo. - Ilan sa pinaka kilalang Affiliate Networks ngayon ay ang Involve.asia, Sharesale, Jvzoo, at Clickbank.
Dito sa pilipinas ay mayroon naring mga Affiliate Networks kagaya ng Lazada, Shopee, at Openmind. Kung nagsisimula ka palang sa Affiliate Marketing journey mo, I suggest na magsimula ka muna sa mga Affiliate networks dito sa pilipinas.
Suggested post: Paano Maging Affiliate ng Malalaking Online Marketplace Dito sa Pilipinas
- Maghanap ng produkto na talagang converting o yung talagang mabenta.
Kapag naghahanap ka ng produkto na ipopromote, lagi mong tandaan ang dalawang bagay na ito:
*Only promote products that satisfy people’s passion
*Only promote products that solved people’s problem
Be a solution provider. Kapag nagawa mo yan ay tiyak na hindi ka na mawawalan pa ng customer dahil paulit-ulit silang bibili at bibili sa’yo. - Market your product at Siguraduhing tamang mga tao ang makakakita ng product o offer mo.
Ito yung part na medyo kritikal sa pagiging Affiliate Marketer. Dahil kahit gaano pa kaganda ang product o yung offer mo kung hindi naman mga tamang tao ang nakakakita neto ay walang bibili sa product o inooffer mo.
“Hindi mo puwedeng bentahan ang matataba ng slimming pills. Hindi mo puwedeng bentahan ng shampoo ang mga walang buhok. “
Ngayon mas ipapaliwanag ko sayo ng mabuti. Halimbawa ang product mo ay napaka effective na slimming pills na nagkakahalaga lamang ng isang libo, pero mali ang mga taong nakakakita ng slimming pills mo dahil puro payat naman ito.
At ang product naman ng kaibigan mo ay slimming pills din at nagkakahalaga ito ng limang libo pero mga tamang tao ang nakakakita neto. Yung mga matataba na gustong pumayat. Sa tingin mo sino yung mas maraming mabebentahan?
Sinasabi ko ‘to sa’yo para lamang maintindihan mo din na hindi presyo ng produkto ang basehan dito. Kundi ang tamang produkto sa tamang tao.
Merong dalawang paraan para i-market ang product o offer mo:
*Una ay ang Free Method (Non-targeted)
Ito ay ang pagpo-post sa facebook or sa youtube. Pwede kang gumawa ng review about sa product o offer mo at ilagay ang affiliate link mo sa taas ng video kapag sa facebook at sa ibaba naman ng video kapag sa youtube.
Ang problema lang sa free method ay non-targeted ito. Kahit sino ay puwedeng makakita ng produkto mo na hindi naman interesado sa ino-offer dahil hindi nila ito kailangan.
*Pangalawa ay ang Paid Method (Targeted)
Ito ang pinaka-paborito ko gamit ang facebook advertising, dahil sa method na ito ay siguradong mga tamang tao lamang ang makakakita ng product o offer mo. Magbabayad ka lang kay facebook at siya na ang bahalang mag-pakita ng offer mo sa mga tamang tao. - Be Consistent.
Taong 2013 noong nagsimula ako sa Affiliate Marketing jouney ko. Sobrang hirap noong mga panahon na yun dahil walang nagtuturo at nag gaguide sakin.
Kaya ang ginawa ko ay nagbayad pa ako para maka attend sa isang live online webinar tungkol sa Affiliate Marketing. At doon ko natutunan ang isang bagay na sinabi nung nagtuturo.
“Be Consistent”
Huwag ka lang titigil. Araw-araw mo lang gawin ito at tiyak hindi mo mama-malayan na na-master mo na pala ito.
CLICK HERE to learn more kung paano ka mag-sisimula ng affiliate marketing business mo.
Salamat sa pagbabasa. Kung may natutunan ka sa post ko na ito ay huwag kalimutang ishare at mag iwan ng comment kung may mga katanungan ka.
Kelvin Clint Quinto is a father of 5 kids, an author, blogger, vlogger, full-time online entrepreneur, and an online business coach.
After experiencing countless rejections and failures, Kelvin Clint Quinto learned the exact knowledge, skill, and mindset that an online entrepreneur must have in order to be successful.
With his 9 years of experience in the internet marketing world, he is now on a mission to help 10,000 Filipino employees start and grow an online business through his training and coaching programs.
salamat at my natutunan ako kahit paano. Paano po maging affiliate marketer sa involve asia. nasimulan kona po kaso hindi ko po masundan?
Hello, dito po basahin niyo 🙂 https://www.kelvinclintquinto.com/paano-maging-affiliate-ng-malalaking-online-marketplace-dito-sa-pilipinas/