Alam mo ba na maari kang kumita online kahit wala kang sariling produkto na binebenta?
Yes, tama. Hindi mo kailangan ng sarili mong produkto para kumita online.
Ang kailangan mo lang ay maghanap ng mga kumpanya na may sariling produkto at mayroong affiliate program.
Affiliate program ibig sabihin ay pumapayag sila na ipromote ng ibang tao ang produkto nila kapalit ng komisyon sa tuwing makabenta ito.
Ang tawag sa ganitong business model ay Affiliate Marketing.
Ang kagandahan sa ganitong klase ng business model ay hindi mo kailangan maglabas ng kapital.
Ang kailangan mo lang ay kaunting tiyaga sa pagsi-share ng mga affiliate products gamit ang iyong affiliate link.
Ang affiliate link ay unique url na ibibigay sa’yo ng sinalihan mo na affiliate program.
Kapag may nag click sa iyong affiliate link at bumili ito ay magkakaroon ka ng komisyon mula doon sa kumpanya na sinalihan mo.
Dito sa Pilipinas, maraming online marketplace na ang nag ooffer ng affiliate program.
Ilan dito ay ang Lazada, Shopee, Metrodeal at Zalora.
Sila ang malalaking online marketplace ngayon dito sa Pilipinas.
Ngayon upang maging affiliate ng mga online marketplace na ito ay kailangan mo munang gumawa ng publisher account sa Involve asia.
Ang involve asia ay isang affiliate network kung saan maari kang maging affiliate ng iba’t ibang companies at magkaroon ng chance na kumita bilang isang publisher.
May ginawa akong step-by-step video tutorial kung paano ka makakagawa ng publisher account sa Invovle asia.
Panoorin lamang ang video sa ibaba:
Salamat sa pagbabasa. Kung may natutunan ka sa post ko na ito ay huwag kalimutang ishare at mag iwan ng comment kung may mga katanungan ka.
Kelvin Clint Quinto is a father of 5 kids, an author, blogger, vlogger, full-time online entrepreneur, and an online business coach.
After experiencing countless rejections and failures, Kelvin Clint Quinto learned the exact knowledge, skill, and mindset that an online entrepreneur must have in order to be successful.
With his 9 years of experience in the internet marketing world, he is now on a mission to help 10,000 Filipino employees start and grow an online business through his training and coaching programs.