fbpx

Paano Maging Seller sa Lazada Philippines

Pamilyar ka ba sa salitang Ecommerce? Ito ang paraan ng pagbibili o pagbebenta ng kahit na anong produkto online.

Marami nang naglabasan na mga ecommerce platform ngayon o yung mas kilala sa tawag na online shop kung saan ay puwede kang bumili o magbenta ng produkto mo.

Ilan sa mga sikat at pinaka malalaking ecommerce platform ngayon sa buong mundo ay ang Amazon, Alibaba, Aliexpress , Ebay.

At dito naman sa pilipinas ay ang Zalora, Shopee at siyempre ang Lazada, at yan ang pag uusapan natin ngayon.

Alam mo ba na ang pinaka mayamang tao ngayon sa buong mundo ay si Jeff Bezos (tingnan ang imahe sa ibaba).

Siya ang may ari ng Amazon.com .

Nagpapatunay lamang ito na ang Ecommerce business ay talagang patok ngayon at papatok pa sa mga susunod na taon.

paano maging seller sa lazada

Dito sa pilipinas, isa sa pinaka sikat at nangungunang ecommerce platform ngayon ay ang Lazada.com.

Hindi lamang sa pilipinas kundi sa iba pang south east asian countries kagaya ng indonesia, malaysia, singapore, thailand at vietnam.

supper affiliate engine

Suggested: Mga bagay na kailangan mo bilang Lazada Seller

Suggested: Paano maging seller sa lazada updated 2020

Ayon sa statista.com merong naitalang mahigit 45 million ecommerce users noong 2017 at tataas pa ito ng mahigit 54 million sa taong 2023 dito sa pilipinas.

PinoyPreneur

Kaya nararapat lang na samantalahin mo na ang pag-kakataon na ito para makapag-simula ng sarili mong ecommerce business.

paano maging seller sa lazada
image source: statista.com

Ngayon ay pumunta na tayo sa pinaka main topic natin. Yun ay kung paano ba maging seller sa lazada dito sa Pilipinas.

Upang makapag simula kang makapagbenta sa lazada, kailangan ay magkaroon ka muna ng seller account sa kanila.

See also  Ano ang E-Commerce At Paano Ito Ginagawa

Sundan mo lamang ang step by step na ituturo ko sa ibaba kung paano magkaroon ng lazada seller account.

  1. Pumunta sa lazada seller sign up page at piliin ang local seller. Libre lamang magbenta sa lazada bilang Local seller. Magkakaroon lamang ng payment fee (gateway fee,transaction fee) sa bawat produkto na maibenta mo.
paano maging seller sa lazada

2. Ilagay ang iyong mobile number at hintayin ang 6 digit code na ipapadala sa number na ginamit mo. Siguraduhing aktibo ang number mo dahil kapag hindi mo natanggap ang 6 digit code ay hindi ka makakapunta sa susunod na step.

3. Dito naman ay kailangan mong ilagay ang password, email address at pangalan ng magiging shop mo. Siguraduhin na napag isipang mabuti ang pangalan ng shop mo. Mas maganda kung akma ito sa mga bagay na ibebenta mo.

4. Congratulations! Meron ka nang lazada seller account! Maari ka nang maglagay ng mga produkto mo. Make sure na mabasa mo kung ano ang mga ipinag-babawal na ibenta sa lazada para hindi ma ban ang seller account mo.

Kumpletuhin mo narin ang iba pang impormasyon na kailangan kagaya ng pick-up address at bank account information mo kung saan itatransfer ang payout mo o yung kita mo sa pagbebenta.

Ngayon na may seller account ka na, kailangan mong pag aralan kung paano ang tamang pagbebenta sa lazada.

Ang kagandahan ay hindi mo na kailangang mangapa pa sa kakahanap ng mga tutorials dahil meron silang tinatawag na Lazada University.

Dito ay meron silang mga courses, tutorials, workshops, at webinars para malaman mo kung paano mo mapapatakbo ng tama ang online shop mo.

See also  Why You Should Join Lazada Mega Campaigns?
paano maging seller sa lazada

Ang nakakatuwa pa ay sa bawat online course na matapos mo sa Lazada University ay magkakaroon ka ng award na Digital Certificate of Completion kagaya ng nakikita mo sa imahe sa ibaba.

paano maging seller sa lazada

Bago ako matapos ay gusto ko lang ishare sa’yo ang aking resulta bilang seller sa lazada.

Una akong nag register bilang seller sa lazada noong taong 2015 pero hindi ko rin ito nagamit dahil naging busy ako sa trabaho.

At noon lamang July 1 2019 ay naisipan ko ulit itong buksan at nag simula akong maglagay ng produkto ko.

paano maging seller sa lazada

Nagulat na lamang ako kinabukasan ay nagkaroon agad ako ng benta.

Imagine, hindi ko ini market yung product ko pero nagkaroon ako ng benta sa unang araw pa lamang.

At sa loob lamang ng 13 days ay meron na akong 13 orders.

Patunay lamang ito na napakarami nang online shopper sa pilipinas.

Siya nga pala bisitahin mo ang aking youtube channel dahil nagshi-share ako ng mga tutorials doon tungkol sa pagiging seller sa lazada.

Salamat sa pagbabasa. Kung may natutunan ka sa post ko na ito ay huwag kalimutang ishare at mag iwan ng comment kung may mga katanungan ka.

P.S. Click here if you want to learn how to start a dropshipping business on lazada philippines.

kelvin clint quinto

Kelvin Clint Quinto is a father of 5 kids, an author, blogger, vlogger, full-time online entrepreneur, and an online business coach.

After experiencing countless rejections and failures, Kelvin Clint Quinto learned the exact knowledge, skill, and mindset that an online entrepreneur must have in order to be successful.

See also  5 Tips on finding your Profitable Niche

With his 9 years of experience in the internet marketing world, he is now on a mission to help 10,000 Filipino employees start and grow an online business through his training and coaching programs.

Comments

  1. Hello po ask ko lang, bakit po kaya nag bivisible yung product na inadd ko sa Lazada pang 2 days na po ngayun? yung content score naman is 100/100 na. Chineck ko kasi tutorial nyo po pero sakin di lumalabas kung visible na sya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Super Affiliate Engine