Mga Bagay na Kailangan mo Bilang Lazada Seller
Nagbabalak ka bang maging seller sa lazada?
Libre lang naman gumawa ng seller account sa lazada. Pero may mga bagay na dapat kang ihanda kung gusto mong magsimulang magbenta dito.
Narito ang 5 bagay na dapat meron ka kapag gusto mong maging seller sa lazada philippines.
- Direct Thermal Printer w/ label sticker
Ito yung ginagamit para mai-print mo ang shipping label o yung waybill.
2. Bubble Wrap
Ito naman yung ginagamit na pambalot sa items mo bago mo ilagay sa box o sa pouch mo para makasisiguro ka na safe ang items mo pagdating sa customer at walang damage.
3. Lazada Pouch
Mayroong 4 na size ang na lazada pouch small, medium, large, at extra large.
Hindi mo naman kailangan bilhin lahat ng size. Piliin mo lamang ang size na kung saan ay magkakasya ang item na ibinibenta mo.
4. Lazada Box
Mayroong tatlong size ang lazada box, A (small), B (medium), at C (large)
Optional lang naman ito. Kung hindi naman kalakihan at hindi babasagin ang mga item na ibinibenta mo at kapag kasya naman sa lazada pouch ay hindi niyo na kailangan bumili ng lazada box.
Kadalasan itong ginagamit ng mga nagbebenta ng Mystery Box sa lazada.
5. Products
At siyempre, ang pinaka mahalaga sa lahat kapag gusto mong magbenta sa lazada ay ang produkto mo.
May ginawa akong blog post kung saan ay ibinahagi ko kung saan ka makakahanap ng mga direct warehouse at legit suppliers dito sa pilipinas..
Salamat sa pagbabasa. Kung may natutunan ka sa post ko na ito ay huwag kalimutang ishare at mag iwan ng comment kung may mga katanungan ka.
Kelvin Clint Quinto is a father of 5 kids, an author, blogger, vlogger, full-time online entrepreneur, and an online business coach.
After experiencing countless rejections and failures, Kelvin Clint Quinto learned the exact knowledge, skill, and mindset that an online entrepreneur must have in order to be successful.
With his 9 years of experience in the internet marketing world, he is now on a mission to help 10,000 Filipino employees start and grow an online business through his training and coaching programs.