Gusto mo bang matutunan paano maging seller sa lazada?
Ngayong panahon ng pandemic dito sa Pilipinas ay napakaraming mga Pilipino na ang nabuksan ang isipan sa pag oonline business.
Isa sa pinagkakakitaan ng karamihan ngayon ay ang pagbebenta online or online selling.
Siguro naman ay narinig mo na ang Lazada. Ito ang pinakamalaking online marketplace ngayon hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong southeast asia.
Kaya naman talagang napakaraming mga kababayan natin ngayon ang nagsisimulang magbenta na sa lazada dahil maliban sa libre lang ito ay hindi mo rin kailangan ng business permit para magbenta dito.
Ngayon, kung binabasa mo ang blog post ko na ito, marahil ay gusto mo rin maging seller sa lazada.
Upang makapag simula kang makapag benta sa lazada, kailangan ay magkaroon ka muna ng seller account sa kanila.
Sundan mo lamang ang step by step na ituturo ko sa ibaba kung paano magkaroon ng lazada seller account.
- Pumunta sa Lazada website at piliin ang “Sell on lazada”.
- Piliin ang “Marketplace” at i-click lamang ang sign-up now button.
- Ilagay ang iyong mobile number at hintayin ang 6 digit code na ipapadala sa number na ginamit mo. Siguraduhing aktibo ang numero na gagamitin mo dahil hindi ka makakapunta sa susunod na step kung hindi mo mai-verify ang numero mo.
- Dito naman ay kailangan mong ilagay ang password, email address at pangalan ng magiging shop mo. Siguraduhin na napag isipang mabuti ang pangalan ng shop mo dahil hindi mo na ito mapapalitan sa loob ng seller center.
- Ilagay ang address ng physical shop mo kung meron. Kung wala naman at sa bahay ka lang ay ilagay ang complete address ng bahay mo.
- Pumunta sa “account >> profile” at piliin ang bank account. Kailangan mong maglagay ng bank account mo dahil dito mo matatanggap ang payout mo o yung benta mo sa lazada shop mo.
Congratulations! Meron ka nang seller account sa lazada!
Maari ka nang mag upload ng mga items na ibinibenta mo!
Siya nga pala bisitahin mo ang aking youtube channel dahil nagshi-share ako ng mga tutorials doon tungkol sa pagiging seller sa lazada.
Salamat sa pagbabasa. Kung may natutunan ka sa post ko na ito ay huwag kalimutang ishare at mag iwan ng comment kung may mga katanungan ka.
P.S. Click here if you want to learn how to start a dropshipping business on lazada philippines.

Kelvin Clint Quinto is a father of 5 kids, an author, blogger, vlogger, full-time online entrepreneur, and an online business coach.
After experiencing countless rejections and failures, Kelvin Clint Quinto learned the exact knowledge, skill, and mindset that an online entrepreneur must have in order to be successful.
With his 9 years of experience in the internet marketing world, he is now on a mission to help 10,000 Filipino employees start and grow an online business through his training and coaching programs.