6 Tips for New Youtubers para Dumami ang Views at Subscribers
Nagsisimula ka pa lang ba sa youtube journey mo?
Basahin mo ‘to dahil may ibabahagi ako sa’yo na anim na tips para dumami ang views ng mga videos mo at dumami din ang subscribers mo kahit nagsisimula ka pa lang.
Isa sa pinaka challenging na part ng pagiging youtuber o vlogger ay yung part na nagsisimula ka palang.
Yung feeling na gawa ka ng gawa ng mga videos pero walang nanonood…
Sasabihin ko sa’yo…hindi ka nag-iisa.
Napakaraming mga aspiring vloggers ang nag ki-quit dahil sa nawawalan sila ng pag-asa dahil akala nila ay hindi sila magaling gumawa ng mga videos dahil walang nanonood neto.
Pero ang totoo, ay hindi nila alam ang ginagawa nila.
Ngayon, para hindi ka matulad sa mga aspiring vloggers na maagang sumusuko, ay ibabahagi ko sa’yo ang anim na tips para sa mga new youtubers para magkaroon ng maraming views at subscribers ang channel mo.
6 Tips for New Youtubers para Dumami ang Views at Subscribers
- Mag focus lamang sa iisang niche o topic.
Make sure na mag focus ka lamang muna sa iisang niche o topic.
Halimbawa yung niche mo is about product reviews.
Make sure na lahat ng uploads mo sa channel mo ay tungkol lamang sa mga products na nire-review mo.
Huwag na huwag kang mag upload ng mga bagay na walang kinalaman sa product review.
Kapag kasi naka focus ka lang sa iisang niche ay malaki ang chance na mag subscribe ang viewers dahil alam alam nila na ikaw ang malalapitan pag dating sa mga product reviews. - I-customize ang iyong channel art.
Make sure na merong channel art ang channel mo.
Kapag may visitor sa channel mo, ang channel art ang unang-una niyang makikita.
Make sure na kapansin-pansin ito.
Pwede mong ilagay diyan ang picture mo, pangalan ng channel mo at kung para saan ang channel mo.
Sa ganitong paraan ay mag mumukha kang propesyonal sa mga visitors ng channel mo at maaring magbigay ng dahilan sa kanila para mag subscribe sa channel mo. - Lagyan ang iyong “About” section.
Lagyan mo ng informations ang about section ng channel mo.
Pwede mong ilagay doon kung sino ka, para saan ba ang channel mo, at kung gaano ka kadalas mag upload ng video.
Ilagay mo din yung links ng iba mong social media accounts kagaya ng facebook, twitter at instagram. - Mag subscribe sa ibang channel na may valuable contents o yung kapareho mo ng niche.
Huwag kang mag subscribe sa mga channel na wala ka namang makukuhang valuable contents o sa mga channel na walang kinalaman sa channel mo.
Mag subscribe ka lamang sa mga channel na alam mong may matututunan ka para madagdagan ang kaalaman mo.
Kapag naka subscribe ka sa mga channel na kapareho mo ng niche ay makakakuha ka rin ng ideya kung ano ang susunod mong gagawan ng vlog.
Sa ganitong paraan ay hindi ka mauubusan ng bagong contents sa channel mo. - Gawan ng playlist ang mga videos mo.
Ang playlist kasi ay parang category ng mga videos mo.
Make sure na lahat ng videos mo ay nakalagay sa tamang playlist para hindi na mahirapan ang mga visitors ng channel mo na hanapin ang video na kailangan nila.
Halimbawa sa channel ko, may bumisita na gustong matuto kung paano maging seller sa lazada, so alam niya kung saan hahanapin ang mga videos ko na may kinalaman sa pagiging seller sa lazada.
Isa pang advantage ng pagkakaroon ng playlist ay nakaka dagdag ito ng views sa mga videos mo.
Halimbawa may nanood sa playlist mo, kapag natapos na ang unang video na pinapanood niya ay malaki ang chance na panoorin din ang susunod na video doon sa playlist mo. - Lagyan ng tags ang mga videos mo.
Ito ang pinaka importante sa lahat.
Huwag mong kalimutang lagyan ng tags ang bawat uploads mo dahil dito nakadepende ang rankings ng video mo sa search results.
Para makakuha ng maraming views ay kailangan naka rank palagi ang mga videos mo.
Ibig ko sabihin ay dapat kasama sa atleast top 10 ng search results ang videos mo kapag may nag search tungkol sa topic mo.
Kapag ikaw may ini search sa youtube, alin ba sa mga search results ang pinapanood mo? Di ba yung mga nasa unahan lang?
Dapat ay magawa mong i-rank ang videos mo.
Kaya huwag kalimutan lagyan ng tags ang bawat uploads mo dahil napakalaking tulong niyan sa rankings ng videos mo.
Salamat sa pagbabasa. Kung may natutunan ka sa post ko na ito ay huwag kalimutang ishare at mag iwan ng comment kung may mga katanungan ka.
Kelvin Clint Quinto is a father of 5 kids, an author, blogger, vlogger, full-time online entrepreneur, and an online business coach.
After experiencing countless rejections and failures, Kelvin Clint Quinto learned the exact knowledge, skill, and mindset that an online entrepreneur must have in order to be successful.
With his 9 years of experience in the internet marketing world, he is now on a mission to help 10,000 Filipino employees start and grow an online business through his training and coaching programs.
Subscribe and likes and views