Nagbabalak ka bang mag online selling business?
O kaya naman meron ka nang existing na online selling business at naghahanap ka pa ng mga legit na product supplier kung saan ay maaari kang bumili wholesale sa napakamurang halaga?
Well tapusin mo ang pagbabasa dahil ibabahagi ko sa’yo kung saan ka makakahanap ng mahigit 800++ na mga direct warehouse at legit suppliers na maari mong pagkuhanan ng mga ibebenta mo online.
Alam naman natin na matindi na ang kumpetensya ngayon sa online selling business.
Simula noong nagkaroon ng covid19 outbreak ay online selling na ang naging patok na negosyo sa maraming Pilipino.
Kaya naman ay talagang lumago ang Ecommerce business ngayon dito sa Pilipinas.
Kung dati ang mga kaibigan mo o mga kakilala ay hindi nagpopost o nagbebenta online, ngayon puro pictures na ng mga produkto nila ang makikita mo sa kanilang mga social media account.
Yun ay dahil online selling talaga ang patok na negosyo sa panahon ngayon dahil hindi mo na kailangan lumabas ng bahay kasi door to door narin ang shipping ngayon.
Basta’t meron ka lang laptop/desktop o cellphone at internet ay maari mo nang pasukin ang ganitong klaseng business.
Ngayon kung nagbabalak kang mag online selling business ay dapat mayroon kang supplier na talagang makakamura ka dahil isa sa mga factor ang “product pricing” sa paglago ng negosyo mo.
Kapag kasi mababa ang kuha mo sa mga items na binibenta mo ay pwede mo ring i-consider na babaan ang presyo mo compare sa mga competitors mo.
At ang kagandahan pa kapag nakakakuha ka ng mas murang halaga sa mga supplier mo ay imbes na ikaw ang magbenta ay pwede mong gawin na maghanap nalang ng mga resellers na siyang magbebenta para sa’yo.
Paano? Pwede kang mag post sa wall mo or sa mga facebook group na naghahanap ka ng mga resellers na kung saan ay hindi nila kailangan maglabas ng puhunan.
Ang gagawin lang nila ay kunin ang mga pictures at caption sa facebook wall mo o kaya naman sa facebook page mo, tapos ay ipopost din nila sa social media account nila na kung saan ay naglagay na sila ng mark up price (patong/tubo).
At kapag may bumili sa mga resellers mo ay saka lang din nila bibilhin sa’yo yung item at ikaw narin ang magdedeliver sa buyer nila. Siyempre sagot narin ng buyer nila ang shipping fee.
Ang tawag sa ganitong klaseng business model ay Dropshipping.
Marahil ngayon ay nagkaroon ka na ng idea kung paano mo ima-market ang products mo.
Pero ang malaking tanong ay, saan ka makakahanap ng mga direct warehouse at legit suppliers ng mga ibebenta mo?
Alam naman natin na kahit magtanong ka pa sa mga kakilala o kaibigan mo ay hinding hindi nila sasabihin sa’yo kung saan sila kumukuha ng mga paninda nila dahil ayaw nila magkaroon ng kakompetensya.
Pero huwag kang mag-alala, dahil maya-maya lang ay malalaman mo na ang mahigit 800 na mga legit product supplier dito sa pilipinas na maari mong pagkuhanan ng mga paninda mo.
May ginawa akong isang video kung saan ay ipinaliwanag ko kung paano ka magkakaroon ng lifetime access sa 800 plus na mga direct warehouse at legit suppliers na ‘to.
panoorin lamang ang video sa ibaba:
Salamat sa pagbabasa. Kung may natutunan ka sa post ko na ito ay huwag kalimutang ishare at mag iwan ng comment kung may mga katanungan ka.
Kelvin Clint Quinto is a father of 5 kids, an author, blogger, vlogger, full-time online entrepreneur, and an online business coach.
After experiencing countless rejections and failures, Kelvin Clint Quinto learned the exact knowledge, skill, and mindset that an online entrepreneur must have in order to be successful.
With his 9 years of experience in the internet marketing world, he is now on a mission to help 10,000 Filipino employees start and grow an online business through his training and coaching programs.