fbpx

Ano ang Copyright Claim?

Ano ang Copyright Claim?

Ang copyright claim o yung tinatawag din na content id claim ay isa lamang warning mula doon sa may ari ng material na ginamit mo sa video mo.

Maaring clip ng video or music na nakapaloob doon sa video mo.

Ngayon ano ang pwede mong gawin kapag mayroong claimant o nag aangkin doon sa material na ginamit mo sa content mo?

Halimbawa sa background music na ginamit mo sa isa sa mga video mo ay mayroong nag aangkin?

Ano ang dapat mong gawin?

Bibigyan ka ng apat na options ni youtube.

Una, wala kang gagawin.

Wala kang gagawin pero kung sino ang nag file ng claim doon sa video mo ay siya ang mag mo-monetize o kikita doon sa video mo kapag may youtube advertisement na lalabas.

Hindi naman sa lahat ng video mo siya kikita kundi doon lamang sa video na kung saan ay nag file siya ng claim.

Pangalawa, pwede mong i-trim/mute nalang.

Pwede mong i-trim kung video clip at kapag background music naman ay pwede mo itong i-mute.

Pangatlo, palitan yung part na kini-claim.

Pwede mong palitan yung part na kini-claim niya sa video mo.

Halimbawa may parte ng tugtog na kini-claim sa video mo, pwede mo itong palitan ng ibang tugtog.

Ang kagandahan pa ay maari mo na itong magawa kahit sa loob lamang ng youtube at hindi mo na kailangang burahin, i-edit at reupload ang video mo.

Pang-apat, pwede kang mag-file ng dispute.

Kung sa tingin mo ay nagkamali lamang yung claimant o si youtube at mayroon kang rights at proof na gamitin yung video clip o background music na yun, ay pwede kang mag file ng dispute.

Pwede mong sabihin kay youtube na may rights kang gamitin yung material na yun. Pero syempre hihingan ka parin ni youtube ng proof.

Pero mayroon lamang risk kapag nag file ka ng dispute.

Once na hindi mo ito napatunayan, at natalo ka laban doon sa claimant ay pwede kang magkaroon ng copyright strike.

Kapag na copyright strike ka naman ay mas mabigat ang consequece na haharapin mo dahil sa copyright strike ay hindi lamang ang iisang video mo ang apektado kundi ang buong channel mo.

Kaya kung sa tingin mo wala ka naman talagang rights o karapatan na gamitin ang video na yun ay huwag na huwag kang mag file ng dispute.

Paalala:
Para makaiwas tayo sa copyright claim ay mas mabuting huwag tayong gumamit ng mga material sa video natin na hindi natin pag-aari.

Salamat sa pagbabasa. Kung may natutunan ka sa post ko na ito ay huwag kalimutang ishare at mag iwan ng comment kung may mga katanungan ka. 

kelvin clint quinto

Kelvin Clint Quinto is a father of 5 kids, an author, blogger, vlogger, full-time online entrepreneur, and an online business coach.

After experiencing countless rejections and failures, Kelvin Clint Quinto learned the exact knowledge, skill, and mindset that an online entrepreneur must have in order to be successful.

With his 9 years of experience in the internet marketing world, he is now on a mission to help 10,000 Filipino employees start and grow an online business through his training and coaching programs.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *