fbpx

5 Tips on finding your Profitable Niche

Kapag gusto mong mag simulang mag blog, dapat lang ay piliin mo ang tamang niche o topic na talagang gusto mong gawin araw araw at siyempre puwede mong pagkakitaan.

Nararapat lang na tamang niche ang mapili mo dahil ito ang mag aattract ng mas maraming visitors sa blog mo para magbasa at siyempre para i share ang blog mo.

Narito ang 5 Tips upang hanapin ang tamang niche para sa’yo:

  1. Know your interests and passions.
    Alamin mo ang mga bagay na gusto mong ginagawa.
    Maraming mga pilipino ngayon ang nagsisimulang mag blog pero pagkalipas ng ilang buwan lamang ay tinatamad na ito. Bakit? Dahil ang napili nilang niche ay hindi yung talagang gusto nila.

    Kapag pumipili ng tamang niche ay dapat lang na yung talagang gusto mong gawin. Yung tipong pag gising mo sa umaga ay excited ka para gumawa ng bagong post sa blog mo. Sa ganitong paraan ay talagang magtatagal ka sa blogging business mo.
  2. Know your skills.
    Ano ano ba yung mga bagay na kung saan ay magaling ka? Ano ano yung mga bagay na kaya mong gawin na sa tingin mo ay hindi kayang gawin ng iba? Maari mo itong gawin na basehan sa pagpili ng niche o topic mo para sa blog mo dahil napakaraming mga tao ang hindi alam ang mga bagay na kung saan ay alam mo o expert ka.
  3. Make a list of problems that you think you can solve.
    Naranasan mo na bang mag search sa google kapag may gusto kang malaman? Sa tingin mo ikaw lang ba ang naghahanap ng kasagutan? Hindi.
    Subukan mong pumunta sa google keyword planner at doon i type ang bagay na gusto mong malaman. Makikita mo kung gaano karami ang naghahanap ng parehong kasagutan.
    Tingnan mo ang larawan sa ibaba.

Umaabot ng sampung libo buwan buwan ang naghahanap sa keyword na “how to start a blog” dito sa pilipinas. Paano kong isa yan sa mga bagay na alam mo? Puwede mo itong gawing topic sa blog mo at hindi malayong lalabas sa search results ng google ang post mo.
Kaya ngayon palang ay ilista mo na ang mga karaniwang problema na kaya mong gawan ng solusyon.

4. Know if your niche is profitable.
Pangunahing dahilan kung bakit gusto nating mag blog ay para kumita. Isang paraan para imonetize ang blog ay sa pamamagitan ng paglalagay Adsense ads sa iyong blog. Basahin ang post ko tungkol sa adsense dito: https://www.kelvinclintquinto.com/paano-kumita-sa-google-adsense-gamit-ang-iyong-blog.

Ang pinakamadaling paraan para malaman kung may mga company o businesses ba na nag aadvertise sa google adwords gamit ang keyword sa niche mo ay magpunta ka sa google search. Itype ang keyword na gusto mong malaman. Kapag lumabas na ang result ay tingnan mo ang first at second result, makikita mo na mayroong (AD) na nakalagay. Tingnan ang halimbawa sa larawan sa ibaba.

Nangangahulugan lamang ito na profitable ang niche na pinili mo dahil may mga kumpanya na handang magbayad para maglagay ng ads sa blog mo dahil hindi lamang diyan sa google search result lumalabas ang ads nila kundi pati din sa mga blogs na related sa keyword na ginamit ng advertiser.

Halimbawa na lamang yung isa sa mga post ko tungkol sa dropshipping. Naglagay din si google ng ads about dropshipping dahil tugma ito sa keyword na ginamit ko at keyword na binayaran ng advertiser kay google para ipakita ang ads niya.

Kaya kapag pumipili ng niche ay dapat lang na alamin mo muna kung may mga advertisers ba na handang magbayad sa niche na napili mo.

Isa pang paraan para pagkakitaan ang blog mo ay sa pamamagitan ng affiliate marketing. Basahin ang post ko tungkol sa affiliate marketing dito: https://www.kelvinclintquinto.com/ano-nga-ba-ang-affiliate-marketing-at-paano-kumita-dito.

5. Know your target audience
Alamin mo kung sino ba o anong klaseng tao ang gusto mong makabasa ng blog mo.
Halimbawa, ang niche mo ay tungkol sa “pagpapapayat” , make sure na bawat post mo ay related lamang sa pagpapapayat dahil ang target audience mo ay yung mga taong gustong pumayat.

Make sure na mag focus ka lamang sa kanila at tiyak na magiging regular ang pagbisita nila sa blog mo at hindi malayong maging subscriber mo pa sila o maging customer.

Salamat sa pagbabasa. Kung may natutunan ka sa post ko na ito ay huwag kalimutang ishare at mag iwan ng comment kung may mga katanungan ka.  

Spread the love
  • 12
  • 7
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    19
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *