Kung ikaw ay matagal na sa internet marketing industry marahil ay alam mo na ang ibig sabihin ng salitang “The money is in the list”
Ang tinutukoy na “list” ay ang Email list or email subscribers.
Yun yung mga email address na binigay ng mga prospects mo kapalit ng isang valuable information kagaya ng ebook, free video training at iba pa gamit ang tinatawag na squeeze page or opt-in form.
Ang larawan sa ibaba ay isang halimbawa ng capture/squeeze page o opt-in form.
Bakit nga ba kailangan ko ng Email List?
Kapag kasi may sarili kang email list ay puwede mong ifollow up o padalhan ng email messages ang mga subscribers mo kapag mayroon kang gustong ipromote na produkto o business opportunity.
At ang kagandahan pa ay yung mga subscribers mo ay talagang mga targeted audience ito dahil binigay nila sa’yo yung email address nila, ibig sabihin ay nagtiwala sila sa’yo dahil alam nilang makakatulong ka sa kanila.
Gaano kalaki ang possible kong kitain sa mga subscribers ko?
Sabihin na natin na mayroon kang 1,000 email subscribers.
May nakita kang isang affiliate product na kung saan ay magkakaroon ka ng P200 na komisyon sa bawat benta mo.
Kaya ang ginawa mo ay pinadalhan mo ng email yung mga subscribers mo para bentahan.
(Worst case scenario) Sabihin na natin na sa 1,000 subscribers mo ay 1% lang ang bumili.
1,000×1%=10.
Sampu sa mga subscribers mo ang bumili, At mayroon kang 200 na komisyon sa bawat isa sa kanila.
10×200=2,000
Kumita ka ng P2,000 ng walang kahirap hirap. Ang ginawa mo lang ay nagpadala ka ng email sa email list mo.
Paano pa kaya kung meron kang 5,000, 20,000, 50,000 o higit pa na subscribers?
Yan ang kagandahan kapag nag build ka ng sarili mong email list.
Ang tawag sa ganitong strategy ay Email Marketing.
Paano naman ako makakapag build ng email list ko?
Para makapag build ka ng sarili mong email list ay kailangan mo ng isang tool na kung tawagin ay email autoresponder.
Ang autoresponder ay isang tool na ginagamit hindi lamang ng mga internet marketer kundi pati narin ng malalaking kumpanya para maka kalap ng email address.
Ginagamit rin ito para i-automate ang business mo dahil kahit natutulog ka ay mayroong nagpapadala ng message sa email list mo.
Ilan sa mga kilalang autoresponder services ngayon ay ang Activecampaign, Aweber, Getresponse, at Mailchimp.
Gamit ang kahit saan sa mga autoresponder na yan ay maari kang gumawa ng sarili mong capture/squeeze page o opt-in form para maka kalap ng email address.
Paalala:
Iwasan lamang magpadala ng kahit na anong promosyon na hindi angkop doon sa binigay mo sa subscriber mo kapalit ng email address nila.
Panatilihin din ang pagbibigay ng valuable contents sa subscribers mo na alam mong makakatulong sa kanila.
Sa ganitong paraan ay nakakapag build ka ng relationship and trust sa mga subscribers mo kaya’t hindi malayo na balang araw ay maging customer mo din sila.
Salamat sa pagbabasa. Kung may natutunan ka sa post ko na ito ay huwag kalimutang ishare at mag iwan ng comment kung may mga katanungan ka.
Kelvin Clint Quinto is a father of 5 kids, an author, blogger, vlogger, full-time online entrepreneur, and an online business coach.
After experiencing countless rejections and failures, Kelvin Clint Quinto learned the exact knowledge, skill, and mindset that an online entrepreneur must have in order to be successful.
With his 9 years of experience in the internet marketing world, he is now on a mission to help 10,000 Filipino employees start and grow an online business through his training and coaching programs.