Alam mo ba na sobrang tumaas ang view rate sa youtube noong nakaraang taon dahil sa corona virus pandemic?
Hindi lamang dito sa Pilipinas kundi sa buong mundo.
Oo, tama. Dahil noong nagkaroon ng lockdown ay isa ang youtube platform sa ginamit ng mga media companies upang maghatid ng balita sa mga tao at ito rin ang takbuhan ng mga manonood kapag gusto nilang manood ng mga nakakalibang na video o vlog na pampalipas oras.
Kung ikaw ay isa nang vlogger noong mga panahon na ‘yun ay malamang ramdam mo ang pagtaas ng views sa bawat videos mo at paglaki ng subscribers mo.
At kung ikaw ay nasa Youtube Partner Program (YPP) ay malamang ramdam mo rin ang pagtaas ng kita mo sa youtube channel mo.
Dahil nga rin bawal lumabas noong panahon ng lockdown ay marami sa ating mga kababayan ang nagsimula na ring gumawa ng kanilang youtube channel at mag vlog dahil akala nila ay madali ang pera dito.
“Pero hindi ‘yun ganun kadali!”
Katulad ng lagi kong sinasabi, “Walang overnight success sa kahit na anong bagay”.
Kailangan mo itong paghirapan, pagtiyagaan at higit sa lahat kailangan mong pag-aralan.
Ngayon kung binabasa mo ito dahil gusto mong matutunan kung paano mo mas mapapalaki ang iyong youtube channel ay dapat lang na tapusin mo ang pagbabasa nito.
Narito ang 6 na Tips kung paano mo mas mapapalaki ang iyong youtube channel ngayong 2021
- Help Yourself
Tulungan mo ang sarili mo dahil walang ibang tutulong sa’yo kundi ikaw mismo.
Maging consistent ka sa pag upload ng video at pag aralan mo ang tamang pag-upload ng video sa youtube.
Tandaan mo, mas pinapaburan ni youtube ang mga content creators na active sa pag upload at sinusunod lahat ng tamang pag upload sa kanilang platform. - Do Not Hurry
Huwag kang magmadali o umasa na lalaki agad ang youtube channel mo. It takes time.
Hindi yung nag upload ka ng isang video pa lang at aasa ka na agad na marami yung manonood at lalaki agad ang subscribers mo.
Walang ganun, maliban lang kung sikat na artista ka.
Karamihan sa mga sumusuko agad o nagko-quit sa pag vlog ay yung mga taong umaasa na lalaki agad ang subscribers nila.
Kapag kasi ‘yun ang iniisip mo at hindi nangyari ng mabilisan ay talagang mapapasuko ka na. - Find Your Niche
Hanapin mo sa mga videos mo kung alin ang mas pinapanood ng mga tao.
Tingnan mo kung anong topic mo sa video na ‘yun at ‘yun ang i-duplicate mo.
Ibig sabihin, gumawa ka pa ng ibang videos na tungkol sa topic na ‘yun dahil ‘yun ang gusto ng mga nanonood sa channel mo.
Huwag kang mag upload ng iba’t-ibang topic dahil for sure hindi interested yung ibang nanonood niyan.
Mag focus ka sa iisang topic na alam mong mas pinapanood ng visitors ng channel mo. - Balance Your Time
Hindi naman lahat sa atin ay full-time vloggers.
Mayroon na estudyante at yung iba naman ay empleyado kaya mahirap din pagsabayin.
Pero make sure na maglaan ka parin ng oras sa pag-aasikaso ng youtube channel mo.
“Time management”
Gumawa ka ng schedule. Dapat ay balanse lahat. May time ka sa pag-aaral o pagtatrabaho at may time ka rin sa pag vlog at pag-upload ng video sa channel mo.
Katulad ng sabi ko kanina mas pinapaburan ni youtube yung mga active content creators kaya make sure na hindi mo rin napapabayaan ang youtube channel mo. - Believe In Yourself (Self Confidence)
Walang ibang magtitiwala sa’tin kung tayo mismo walang tiwala sa sarili natin.
Kailangan mayroon kang tiwala sa sarili mo. Malaking tiwala!
Hindi yung may mabasa ka lang na negative comments or mga dislikes sa video mo ay ma di-discouraged ka na. Mali yun!
Kadalasan kasi sa mga gumagawa ‘nun ay hindi naman mga vloggers kundi yung mga taong hindi kayang gawin ang ginagawa mo.
Kaya huwag na huwag kang magpapadala sa kanila, gawin mong inspirasyon ‘yun para mas lalo mo pang pagbutihan ang pag vlog mo. - Set Goals (Goal Setting)
Kapag wala kang goal, wala kang gustong ma-achieve.
“Nag va-vlog ka para sa wala!”
Dapat mayroon kang Goal sa pag va-vlog mo.
Halimbawa, “Goal ko ay magkaroon ng 1,000 subscribers ngayong buwan.”
So itatak mo yan sa isipan mo para alam mo na may hinahabol kang target.
Dahil kapag wala kang goal o target ay parang wala lang din sa’yo yung pag va-vlog.
Hindi mo ipu-push yung sarili mo na pagbutihan o seryosohin ang pag-gawa at pag upload ng mga videos sa channel mo.
So make sure na mayroon kang goals dahil napakasarap sa pakiramdam kapag na hit o na achieved mo na ito.
Panoorin ang video sa ibaba.
Siya nga pala, huwag mong kalimutan na mag subscribe sa aking youtube channel dahil marami pa akong isi-share na mga youtube tips sa’yo na alam kong makakatulong sa youtube journey mo.
Salamat sa pagbabasa. Kung may natutunan ka sa post ko na ito ay huwag kalimutang ishare at mag iwan ng comment kung may mga katanungan ka.
Kelvin Clint Quinto is a father of 5 kids, an author, blogger, vlogger, full-time online entrepreneur, and an online business coach.
After experiencing countless rejections and failures, Kelvin Clint Quinto learned the exact knowledge, skill, and mindset that an online entrepreneur must have in order to be successful.
With his 9 years of experience in the internet marketing world, he is now on a mission to help 10,000 Filipino employees start and grow an online business through his training and coaching programs.