fbpx

Ano ang Stock Market? Paano Kumita Dito?

Ano ang Stock Market? Paano Kumita Dito?

Ano Ba Ang Stock Market?
“The stock market is a place where shares of stock of publicly-listed companies are bought and sold.”

Ang stock market ay parang isang palengke. Pero wala kang mabibili diyan na mga physical products.

Ang mabibili mo sa stock market ay ang tinatawag na stocks o shares ng isang company or corporation.

Ang stock market ay isang paraan kung saan maaari mong maging ka sosyo ang malalaki at magagaling na negosyante dito sa pilipinas.

Kapag kasi bumili ka ng share ng isang company ay magiging isa ka na sa may-ari neto. Ang tawag sa’yo ay stockholder o shareholder.

Bakit nga ba nagbebenta ng stocks o shares ang isang company?

Ginagawa nila yun para makakalap ng pondo upang mas lalo pang mapalago ang kanilang negosyo.

Kapag gustong magbenta ng share ng isang company o corporation ay lalapit lang siya kay Philippine Stock Exchange (PSE) para magpalista at kapag pumasa sila sa screening ay maari na silang magbenta ng stocks nila in public.

Ngayon, ikaw naman bilang isang investor kapag gusto mong bumili ng stocks ay hindi ka maaaring dumirekta kay company. Mayroong listahan si PSE ng mga authorized online stock broker kung saan maari kang bumili at magbenta ng stocks.

Dito sa pilipinas, isa sa pinaka sikat na online stock broker ay ang COL Financial. Pwede kang mag register online at kapag na aprobahan ka ay maari ka nang bumili at magbenta ng stocks sa iba’t-ibang company o corporation.

Paano kikita sa stock market?

Ngayon ay pag-usapan naman natin kung paano ka kikita sa stock market.

Mayroong dalawang paraan kung paano ka kikita dito.

First is by Dividends.

Ito yung parang bonus na binibigay ni company sa mga shareholders niya.

Pero make sure din na bibili ka lang ng shares sa mga company na talagang subok na. Yung alam mo na tatagal siya kahit abutin pa ng 50 years o mahigit.

ano ang stock market

Dahil bumili ka sa kanya ng share, as time goes by ay lumalago si company kaya ang mangyayari ay bibigyan ka ni company ng bonus.
It’s either by cash or by additional shares.

Second is by Capital/Price Appreciation.

Halimbawa noong 2010 ay bumili ka ng 10 shares kay jollibee worth P100 per share. So naglabas ka ng P1000 na investment para sa 10 shares.

Then after 1 year dahil magaling magpatakbo ng company si jollibee ay tumaas ang value per share ng P10.

So ngayon ang price per share na ni jollibee is P110. Ikaw na may hawak na 10 shares ay naisipan mong ibenta na ito.

10 shares x P110 = P1,100.

Tumubo ng 10% ang investment mo sa loob lamang ng isang taon.

Paano namang kung ayaw mo pang ibenta yung shares mo?

Yes pwede rin naman yun. Yun naman yung tinatawag na long term investment.

Pwede mo siyang itabi lang muna kahit gaano katagal mo gusto. 5 yrs. 10 yrs. 20 yrs, ikaw ang masusunod.

For sure ay mataas na ang price per share ng company sa panahon na yun.

Salamat sa pagbabasa. Kung may natutunan ka sa post ko na ito ay huwag kalimutang ishare at mag iwan ng comment kung may mga katanungan ka.

kelvin clint quinto

Kelvin Clint Quinto is a father of 5 kids, an author, blogger, vlogger, full-time online entrepreneur, and an online business coach.

After experiencing countless rejections and failures, Kelvin Clint Quinto learned the exact knowledge, skill, and mindset that an online entrepreneur must have in order to be successful.

With his 9 years of experience in the internet marketing world, he is now on a mission to help 10,000 Filipino employees start and grow an online business through his training and coaching programs.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *