fbpx

Ano nga ba ang MLM o Network Marketing?

Ang MLM (Multi Level Marketing) o Network Marketing o mas kilala sa tawag ng karamihan na Networking ay isang marketing strategy na ginagamit ng mga direct selling companies upang hikayatin ang kanilang mga miyembro na mag recruit pa ng ibang miyembro para magbenta din ng kanilang produkto.

Walang namang masama sa ganitong klaseng negosyo.

Katunayan nga ay kahit mga kilalang tao sa buong mundo ay nirerekomenda ito.

At kapag napag aralan mo ito ng mabuti ay puwedeng ma develop ang kakayahan mo bilang isang entrepreneur, isang leader, at siyempre malaki ang chance na kumita ka.

Ang problema lang ay napakarami nang nagsulputan na MLM company ngayon na ginagamit ang ganitong klaseng business model para manloko ng miyembro o yung sinasabi na “Pyramiding Scam”.

Hindi natin ito mapipigilan pero maari natin itong maiwasan kapag mayroon tayong kaalaman tungkol sa kung lehitimo ba o hindi ang isang MLM o Network Marketing Company.

Narito ang ilang sa mga dapat mong tandaan bago sumali sa isang MLM o Networking Company:

  1. Gumawa ng sariling background check tungkol sa kumpanya.
    Alamin mo kung sino ang may ari neto. Alamin mo din kung gaano na ba katagal ang kumpanya at gaano na karami ang miyembero neto.

    Subukan mong mag search sa facebook at sa google gamit ang mga keyword kagaya ng, (“company name + review, company name + testimonials, company name + scam) sa ganitong paraan ay malalaman mo ang kredibilidad ng isang kompanya kung puwede mo ba itong mapagkaka tiwalaan dahil tiyak na maglalabasan ang iba’t-ibang resulta tungkol sa kumpanya kapag ginamit mo ang mga keyword na yan.
  2. Alamin kung may physical office ito at alamin mo din ang address.
    Isang palatandaan din na lehitimo ang isang kumpanya kapag mayroon itong sariling opisina na maari mong puntahan anumang oras kapag may kailangan o mga katanungan ka.

    Isang palatandaan din ito na hindi sila nagtatago at hindi basta basta maglalaho na parang bula.
  3. Alamin kung mayroong Produkto ito.
    Siguraduhin ding mayroong kapalit na produkto ang MLM company na sasalihan mo.

    Umiwas sa mga kumpanya na walang produkto at kikita lamang sa pag recruit ng mga miyembro dahil isa yan sa mga palatandaan na Pyramiding Scam ito.
  4. Alamin kung rehistrado ba ang kumpanya na sasalihan mo.
    Kapag nagtayo ng isang negosyo dito sa pilipinas ay may mga legal requirements dapat ang isang kumpanya.

    Ilan na dito ay ang Certificate of Registration mula sa BIR (Bureau of Internal Revenue), Certificate of Incorporation mula sa SEC (Security of Exchange Commission), License to Operate at Certificate of Product Registration galing sa FDA (Food and Drug Administration) at Business Permit.
See also  3 Most Profitable Internet Business You Can Start Today!

Ilan lamang yan sa mga dapat mong isaalang alang bago ka sumabak sa ganitong klaseng negosyo.

supper affiliate engine

Ang maipapayo ko lang ay mas maigi parin na magsagawa ka ng sarili mong pagsasaliksik o kaya nama’y magtanong sa mga taong mas nakaka alam o matagal na sa ganitong klaseng negosyo.

Salamat sa pagbabasa. Kung may natutunan ka sa post ko na ito ay huwag kalimutang ishare at mag iwan ng comment kung may mga katanungan ka.

kelvin clint quinto

Kelvin Clint Quinto is a father of 5 kids, an author, blogger, vlogger, full-time online entrepreneur, and an online business coach.

After experiencing countless rejections and failures, Kelvin Clint Quinto learned the exact knowledge, skill, and mindset that an online entrepreneur must have in order to be successful.

With his 9 years of experience in the internet marketing world, he is now on a mission to help 10,000 Filipino employees start and grow an online business through his training and coaching programs.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Super Affiliate Engine