Kanina mayroong nagtanong sa’kin,
” Nabasa ko po yung blog nyo. Ang dami kong natutunan! Ask ko lang coach, paano nyo napapalawak yung team niyo sa networking business nyo? “
Kaya naisipan ko na ishare sa blog ko ngayon kung ano ang naging payo ko sa kanya.
Ganito yung sabi ko,
“Before you go wide, you must go deep first”
Sa pag oonline business kasi especially networking, hindi mo kailangang magmadali. Kailangan mong dumaan sa proseso. Maraming mga networkers ngayon ang madaling sumuko dahil ang gusto nila ay resulta kaagad. Kaya after 2 or 3 months kapag hindi kumita ay agad nag ko quit.
Sa tingin mo anong dahilan?
Dahil hindi nila pinag aralan ang business. Hindi sila nag dig deep.
Ngayon marahil ang tanong mo is “How to go deep?”
Simple lang, just follow the 2 rules on how to go deep:
- Know your ‘Deepest Why”.
Kailangan alamin mo muna kung anong dahilan bakit ginagawa mo ang business na yan. Maaaring dahil sa pamilya mo, dahil gusto mo nang makapag quit sa trabaho mo or kahit na anong dahilan pa basta yung tipong kapag naaalala mo ay mas lalo kang gaganahan sa ginagawa mo. - Invest on knowledge.
Kailangan ay pag aralan mo ang business na pinasok mo. Hindi lang yung tipong “alam mo na“, kundi dapat ay “Master” mo ito. Master mo yung pag present ng business, master mo yung pag invite, master mo yung pag bebenta ng products ng company niyo, Sa ganitong paraan ay mas lalong magtitiwala sa’yo ang mga taong nakakausap mo.
Alam mo kasi, ang pag nenegosyo ay mai hahalintulad sa pag tatanim ng chinese bamboo. Kapag kasi nag tanim ka ng chinese bamboo ay hindi kaagad ito sisibol pagkalipas ng isang buwan, isang taon o dalawang taon.
Limang taon ang hihintayin mo bago mag simulang sumibol ang chinese bamboo, yes limang taon saka palang ito sisibol ng napakaliit. At pagkalipas ng anim na buwan ay saka mo palang makikita ang chinese bamboo na napakataas na.
Imagine, 5 years and 6 months ang hinintay mo bago mo nakita ang resulta ng itinanim mo? Dahil ang chinese bamboo kasi, ang una niyang pinapa tubo ay ang ugat niya, in other word “Yung foundation niya”
Ganyan din sa pag nenegosyo, kung gusto mo na mas maraming tao ang magtiwala sa’yo o ang sumali sa business mo para lumawak pa ang network mo, kailangan mo lang ibuild ang foundation mo.
Paano?
Simply by “Going Deep”
Salamat sa pagbabasa. Kung may natutunan ka sa post ko na ito ay huwag kalimutang ishare at mag iwan ng comment kung may mga katanungan ka.
Kelvin Clint Quinto is a father of 5 kids, an author, blogger, vlogger, full-time online entrepreneur, and an online business coach.
After experiencing countless rejections and failures, Kelvin Clint Quinto learned the exact knowledge, skill, and mindset that an online entrepreneur must have in order to be successful.
With his 9 years of experience in the internet marketing world, he is now on a mission to help 10,000 Filipino employees start and grow an online business through his training and coaching programs.