Marami na ngayon ang gumagawa ng kanilang mga blog kung saan ay nag popost sila ng mga articles tungkol sa isang niche o topic.
Maaring ito ay tungkol sa Health and Fitness, Food, How to Make Money, or Beauty niche.
Sa ganitong paraan ay naibabahagi nila ang kanilang kaalaman sa iba at kumikita rin sila sa pamamagitan ng paglagay ng advertisement sa kanilang blogs kagaya ng Adsense. Ang tawag sa kanila ay mga bloggers.
Kahit sino ay puwedeng gumawa ng kanilang blog o website ng libre at hindi mo narin kailangan pa ng mga coding skills para makagawa ng sarili mong website.
Marami nang mga free website builders ngayon tulad ng wordpress, wix, squarespace, weebly at siyempre ang blogger.
Kapag baguhan ka palang or first time mong gumawa ng website I suggest na blogger ang gamitin mo.
Ang blogger.com ay pag mamay ari ng google. Napaka user friendly ng platform na ito.
Gamit lamang ang iyong gmail account ay puwede ka nang mag karoon ng sarili mong blog.
At isa pa, dahil pag mamay ari ito ng google ay madali nalang mag apply sa adsense kapag gusto mo nang imonetize o pagkakitaan and blog mo.
Ngayon ay ituturo ko naman sa’yo step by step kung paano ka makakagawa ng sarili mong website ng libre gamit ang blogger.com.
- Pumunta sa blogger.com at iclick ang “create your blog”
2. Ilagay ang iyong “(Gmail)Email address”. at iclick ang next
3. Ilagay ang iyong “Password” at iclick ang next
4.
a.) Sa Title, ilagay mo ang magiging pangalan ng Blog mo.
b.) At sa Address naman ilagay mo ang magiging url ng website mo.
Tingnan ang halimbawa sa larawan sa ibaba.
c.)Pagkatapos ay pumili ng theme o template ng blog mo. I suggest na simple lang muna ang piliin mo.
d.) Iclick ang “Create blog”
Congratulations! Ready na ang Blog mo! Iclick ang “View Blog” para makita ang itsura ng website mo.
Puwede ka nang magsimulang mag post sa blog mo.
Iclick lamang ang
“Posts”==>> “New post”.
Kapag may sapat na content na ang blog mo ay puwede mo na itong imonetize sa pamamagitan ng adsense.
Basahin ang post ko kung paano kumita sa google adsense gamit ang iyong blog.
Pero bago yun ay icheck mo muna kung qualified na ba sa adsense ang blog mo.
Para malaman, Iclick ang “Earnings” tab. Tingnan ang larawan sa ibaba.
Ganyan ang makikita mo kapag hindi pa qualify sa google adsense ang blog mo.
At ganito naman kapag qualified na sa adsense ang blog mo.
Puwede ka nang makipag partner sa adsense sa pamamagitan ng pag click sa “Sign up for adsense”.
Salamat sa pagbabasa. Kung may natutunan ka sa post ko na ito ay huwag kalimutang i share at mag iwan ng comment kung may mga katanungan ka.
Kelvin Clint Quinto is a father of 5 kids, an author, blogger, vlogger, full-time online entrepreneur, and an online business coach.
After experiencing countless rejections and failures, Kelvin Clint Quinto learned the exact knowledge, skill, and mindset that an online entrepreneur must have in order to be successful.
With his 9 years of experience in the internet marketing world, he is now on a mission to help 10,000 Filipino employees start and grow an online business through his training and coaching programs.