Napakarami nang puwedeng pagkakitaan online ngayon kahit nasa bahay ka lang.
At ang kagandahan pa ay hindi mo kailangan maglabas ng malaking kapital o minsan ay zero kapital pa ito.
Ang Dropshipping ay isang ecommerce business model kung saan ay hindi mo na kinakailangang mag istock ng inventory sa iyong bahay o warehouse, hindi mo na po problemahin ang packaging at shipping ng produkto, at higit sa lahat hindi mo kailangang maglabas ng kapital para makapag simula.
Isa na rito ang tinatawag na “Dropshipping”.
Tingnan mong mabuti ang larawan sa itaas.
Ganyan gumagana ang Dropshipping model.
Ang kailangan mo lang ay imarket ang produkto mula sa isang supplier, kapag may bumili ay sa’yo magbabayad ang customer at kapag nakuha mo na ang bayad ay saka mo naman bibilhin ang produkto doon sa supplier at ang supplier na mismo ang mag di deliver sa customer mo.
Ang kaganda ay ikaw mismo ang maglalagay ng mark up o tubo sa produkto na ipo promote mo.
Halimbawa, Ang produkto mula sa supplier ay nagkakahalaga ng $5, puwede mo itong tubuan sa halagang gusto mo.
Maari mong ibenta ng $10 o higit pa. Ikaw ang may kontrol sa presyo.
At ang isa pang kagandahan dito ay hindi malalaman ng customer mo ang totoong presyo ng produkto.
Kung iisipin mo ay may hawig ito sa affiliate marketing, ang kaibahan lang ay sa affiliate marketing hindi mo kontrolado ang presyo dahil nakadepende ito sa komisyon na ibibigay sa’yo ng isang affiliate program at hindi dadaan sa’yo ang customer kundi direktang bibili dun sa seller.
Basahin ang post ko tungkol sa affiliate marketing dito ==>> https://www.kelvinclintquinto.com/ano-nga-ba-ang-affiliate-marketing-at-paano-kumita-dito/
Paano mag simula sa Dropshipping Business?
Upang makapag simula sa ganitong klaseng business ay kailangan mong magkaroon ng sarili mong website o online store.
Isa sa pinaka sikat na platform na ginagamit ng mga dropshipper ay ang “Shopify”. Meron itong 14 days trial kaya hindi mo kailangang maglabas ng pera para makapag simula.
Tungkol naman sa kung saan ka maghahanap ng mga supplier na pagkukuhanan mo ng produkto na ilalagay sa online store mo, nariyan ang Aliexpress at Amazon.
Salamat sa pagbabasa. Kung may natutunan ka sa post ko na ito ay huwag kalimutang ishare at mag iwan ng comment kung may mga katanungan ka.
P.S. Click here if you want to learn how to start a dropshipping business on lazada philippines.
Kelvin Clint Quinto is a father of 5 kids, an author, blogger, vlogger, full-time online entrepreneur, and an online business coach.
After experiencing countless rejections and failures, Kelvin Clint Quinto learned the exact knowledge, skill, and mindset that an online entrepreneur must have in order to be successful.
With his 9 years of experience in the internet marketing world, he is now on a mission to help 10,000 Filipino employees start and grow an online business through his training and coaching programs.
Maganda matutunan bawat proseso…salamat kay google at marami kming natutunan…pag aralan ko gumawa ng sariling website