fbpx

5 Dahilan bakit ayaw ng tao mag negosyo

Hind na bago para sa ating mga pilipino ang pag nenegosyo. May kanya kanyang paraan o raket para kumita. May nagtitinda ng banana-q, nag iihaw ihaw, nagtitinda ng palamig o halo-halo, nag ba-buy and sell o di kaya naman ay nag ne-networking.

Napakarami na ngayong paraan para mag negosyo, mapa traditional business man ito o online business. Pero bakit kaya marami parin sa ating mga pilipino ang takot pumasok sa pag nenegosyo?

Narito ang 5 dahilan kung bakit ayaw ng tao mag negosyo:

  1. Kawalan ng Ideya
    Kapag ang tao ay walang ideya sa pagnenegosyo ay tiyak na hindi talaga ito magnenegosyo. Makukuntento na lamang ito sa buwanang sahod. At ang nasa isip ay para lamang sa mayayaman ang pagnenegosyo.
  2. Kawalan ng Oras
    Isa ito sa mga dinadahilan palagi ng mga pilipino. Walang oras. Pero kapag kasama na ang tropa at oras na ng inuman ay walang limitasyon. Hindi ko naman sinasabing masama mag happy happy kasama ang mga kaibigan, pero siyempre isipin mo parin ang kinabukasan mo, dahil hindi habang buhay ay nariyan ang mga tropa mo.

    At kung nagtatrabaho ka naman at talagang wala kang sapat na oras, maraming puwedeng pagkakitaan na hindi mo kailangan ng mahabang oras. Kagaya ng mga online business na kahit isa hanggang dalawang oras lang araw-araw ay malaking bagay na para makapag-simula kang magnegosyo.
  3. Kawalan ng Kapital
    Sa tagal ko sa pag oonline business, ito na marahil ang pinaka madalas na objection na naririnig ko. Pero sa totoo lang hindi naman talaga objection to eh, kundi palusot lang ng mga taong ayaw maglabas ng pera o tamad maghanap ng paraan.
  4. Hindi alam ang gagawin
    May mga tao naman na gusto talagang magnegosyo pero hindi nila alam kung paano sila magsisimula. At kapag nasimulan naman ay hindi alam kung ano ano ang dapat gawin kaya ang ending ay hindi na ito tinutuloy. Madalas mangyari ito sa mga nag nenetworking.
  5. Risky daw kasi.
    Oo totoo yan, risky talaga ang pagnenegosyo. Hindi mo masasabi kung kikita ka ba o malulugi . Natatakot ka na masayang lamang ang perang matagal mong pinag ipunan. Tandaan mo, risky lamang ang isang negosyo na papasukin mo kapag hindi mo alam kung paano ito patakbuhin.

Kung ikaw ay naghahanap ng isang solid at profitable na negosyo, panoorin mo ang Free Training Video na ito.

Salamat sa pagbabasa. Kung may natutunan ka sa post ko na ito ay huwag kalimutang ishare at mag iwan ng comment kung may mga katanungan ka. 

kelvin clint quinto

Kelvin Clint Quinto is a father of 5 kids, an author, blogger, vlogger, full-time online entrepreneur, and an online business coach.

After experiencing countless rejections and failures, Kelvin Clint Quinto learned the exact knowledge, skill, and mindset that an online entrepreneur must have in order to be successful.

With his 9 years of experience in the internet marketing world, he is now on a mission to help 10,000 Filipino employees start and grow an online business through his training and coaching programs.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *