Ibabahagi ko sa’yo ang 7 mga dahilan kung bakit kailangan mo nang magkaroon ng website ngayon.
Kung ikaw ay isang negosyante mapa-online o offline man, dapat ay malaman mo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng website sa isang negosyo.
Karamihan sa’tin ay ayaw pasukin ang pag gawa ng sariling website dahil akala natin ay kumplikado at mahirap gumawa neto.
Akala natin kailangan “Tech Savy” ka para makagawa ng website at isang dahilan pa ay akala natin malaki ang gastos sa pag-gawa at pag maintain neto.
Pero ang totoo ay hindi na ganoon kahirap at ka-mahal ang pagkakaroon ng isang website para sa ating negosyo ngayon.
Kahit complete beginner ay kaya nang gumawa ng website dahil hindi na rin kailangan ng coding skills dito.
Ngayon ay pag-usapan na natin kung bakit nga ba mahalaga na magkaroon ka ng sarili mong website para sa negosyo mo.
7 Dahilan Kung Bakit Kailangan Mo Na Magkaroon Ng Website
- It Boost Your Online Credibility.
Being credible means that people feel that they can trust you as a person, a brand, or a company.
Kapag may website ka mas magtitiwala ang tao sa kung ano mang product o services ang ino-offer mo.
Based on my own experience kc, naramdaman ko na simula noong nagkaroon ako ng website ay mas marami na ang nag-iinquire sa kung anumang product ang ibenta ko. - It Makes You or Your Brand Look professional.
Lahat tayo kayang gumawa ng facebook account, page, group, o kaya naman iba pang social media accounts.
Pero hindi lahat sa’tin ay kayang magkaroon ng website.
Kapag may website ka na ay mai-hihiwalay mo ang sarili/products mo sa competitors mo. Doon pa lang ay may advantage ka na.
At mas magtitiwala ang tao sa’yo at magmumukha kang mas professional compared sa iba. - A Website Increases Your Visibility Online.
Ibig sabihin ay mas madali kang mahanap o ang business mo online.
Alam naman natin na ang tao ngayon kapag may hinahanap na isang bagay ay saan pumupunta? Kay Google.
So kapag nahanap nila ang business website mo ay napakalaki ng chance na sa’yo na mismo ang tao lalapit at bibili. - A Website Helps You Edge Out The Competition.
Tandaan mo hindi lang ikaw ang may negosyo online, hindi lang ikaw ang may ganyang produkto na ibinebenta online.
Marami kang competitors kahit saan.
Pero kapag may website ka, ang tingin ng tao ay mas credible ka, at mas mapagkakatiwalaan. - You Can Promote/Sell Your Products and/or Services on Your Website.
Kadalasan ang tao kapag may ibebenta or may services na ino-offer saan pumupunta? Kay facebook di’ba? Post sa timeline, sa page o kaya naman sa group.
Meron din namang iba nag nagbebenta sa shopee or lazada.
Hindi naman masama yun. Kahit ako hanggang ngayon ay ginagawa ko yan.
Pero tandaan mo…Maaari ka ring gumawa ng sarili mong ecommerce shop gamit ang website mo. - It Automates Your Business.
Ito pa ang isang kagandahan kapag may website ka.
Pwede mong i-automate ang business mo.
Ibig sabihin ay kahit natutulog ka, ay maari ka paring magkaroon ng benta automatically at ang website mo ang gagawa nun para sa’yo.
Dahil ang website ay gumagana 24/7. Kahit anong araw o oras ay maaaring bisitahin ng kahit sinuman ang website mo at kung bibili man sila ng ino-offer mo ay may mga payment options na rin na available sa website mo. - It Adds Another Source of Income.
Alam mo ba na andaming pwedeng gawin para pagkakitaan ang website natin.
Siyempre una na dun ay magbenta ng products natin or mag offer ng services.
Pangalawa, pwede mo rin gawin ang Affiliate Marketing.
Pwede kang magbenta ng mga affiliate products, physical products man yan or digital.
Pangatlo, kung mahilig kang magsulat ay pwede mo rin pasukin ang pagiging isang blogger.
Magsulat ka ng kahit na anong topic na gusto mo at pag eligible ka na para google adsense ay maari ka nang mag apply bilang publisher nila.
Once na-accept ka ay may lalabas na mga advertisement sa website mo mula kay google.
At doon ka na simulang kikita sa mga ads.
Isang halimbawa ng google ads ay ang litrato na ito:
Marami pang ibang paraan para pagkakitaan ang website natin.
Ika nga, ” The only limit is your imagination”.
Salamat sa pagbabasa. Kung may natutunan ka sa post ko na ito ay huwag kalimutang ishare at mag iwan ng comment kung may mga katanungan ka.
Kelvin Clint Quinto is a father of 5 kids, an author, blogger, vlogger, full-time online entrepreneur, and an online business coach.
After experiencing countless rejections and failures, Kelvin Clint Quinto learned the exact knowledge, skill, and mindset that an online entrepreneur must have in order to be successful.
With his 9 years of experience in the internet marketing world, he is now on a mission to help 10,000 Filipino employees start and grow an online business through his training and coaching programs.