fbpx

6 Tips para Labanan ang Procrastination

Ang salitang Procrastination o sa tagalog ay ang “Pagpapaliban” ay numero unong kalaban ng tao. Kung tawagin ito ay
“Magnanakaw ng Oras”. Dahil kapag hinayaan mong mangyari sa’yo ito ay tiyak na maraming bagay ang hindi mo masisimulan o kaya naman nasimulan mo pero hindi mo matatapos dahil inatake ka neto.

Kadalasang dahilan ng Procrastination ay kapag hindi ka nagising sa takdang oras na dapat sana ay gising ka na kaya naman ay tinamad ka nang simulan ang gawain mo. O kaya naman ay yung kadalasang dinadahilan natin “Mamaya na lang” o ” Maaga pa naman”. Kapag hinayaan mong mangyari ito ay tiyak na mananakawan ka ng oras.

Procrastination is the thief of time – Edward Young

6 Tips para Malabanan ang Procrastination:

  1. Gumawa ng listahan ng mga gagawin at bigyan ito ng deadline.
    Isa sa pinaka mabisang paraan ay ang pag gawa ng schedule sa mga gawain at samahan ito ng deadline kung kailan mo dapat ito matapos.

    Pagkatapos ay doblehin ang oras ng deadline na ginawa mo. Halimbawa, gusto mong magsulat ng article tungkol sa isang topic sa blog mo. Sabihin na natin na kaya mo itong gawin sa loob ng isang oras. Pero ang ilalagay mo sa schedule na gagawin mo ay dalawang oras. Sa ganitong paraan ay maiiwasan mong hindi matapos ito. Kadalasan kasi pag inabot tayo ng takdang oras ay pinag-papaliban na natin ito.
  2. Iwasan ang mga Destructions
    Ibig sabihin, kapag nasimulan mo nang gawin ang isang bagay ay iwasan mong ma destruct habang ginagawa ito. Siguraduhing naka off ang tv o radyo, walang facebook o youtube at kung maaari ay walang ibang tao sa oras na may ginagawa ka.
  3. Unahing gawin ang mahahalagang bagay na nagbibigay sa’yo ng kaginhawaan sa tuwing natatapos mo ito.
    Unahin mo yung mga bagay na alam mong kakain ng maraming oras. Mabisang paraan ito para hindi ka tamarin sa mga susunod mong gagawin.
  4. Ipahinga ng ilang minuto ang sarili
    Gamitin ang promodoro technique sa pagpapahinga. Ang promodoro technique ay isang paraan ng pamamahala ng oras kung saan pagkatapos ng dalawampu’t limang minuto na pagtatrabaho mo ay magpapahinga ka ng limang minuto. At sa ika apat na promodoro na nagawa mo ay magpapahinga ka naman ng dalawampu’t lima hanggang tatlumpung minuto.

    Sa ganitong paraan ay maipa-pahinga mo ang katawan at isipan mo para mapag-handaan ang mga susunod mo pang gagawin.
  5. Harapin ang iyong takot.
    Kadalasan kaya hindi nasisimulan o kaya naman hindi natatapos ang isang bagay na pinapagawa sa’yo ay dahil natatakot kang magkamali.
    Don’t be a Perfectionist. Walang taong perpekto kaya hindi ka dapat mag isip na kailangan mong maging perpekto sa lahat ng bagay.
  6. Bigyan ng reward ang sarili.
    Pagkatapos ng nakakapagod na trabaho ay nararapat lang na bigyan mo rin ng oras ang iyong sarili. Maaring magkape sa labas o kumain kasama ang pamilya. Mabisa rin itong paraan para labanan ang procrastination dahil alam mo sa sarili mo na pagkatapos ng nakakapagod na trabaho ay may ginahawang naghihintay.

    Salamat sa pagbabasa. Kung may natutunan ka sa post ko na ito ay huwag kalimutang i-share at mag iwan ng comment kung may mga katanungan ka.  

Gusto mo bang magsimulang magnegosyo pero wala kang puhunan? Kung oo ang sagot mo basahin mo to ==>>http://bit.ly/39G8XaM

Spread the love
  • 8
  • 5
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    13
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

ESCAPE 9 TO 5 JOBYour Guide To Leap From Employee To Entrepreneur