Ano nga ba ang Cryptocurrency at paano ka pwedeng kumita dito?
Ang Cryptocurrency ay isang Digital currency o Virtual currency na tinatawag.
Isang uri ito ng pera na hindi natin nahahawakan.
Meron tayong pera na kung tawagin ay “Fiat Money”.
Ito yung pera na ginagamit natin pambili araw-araw at dala-dala natin kung saan man tayo magpunta.
Kagaya ng fiat money, meron ding iba’t-ibang currency ang crypto.
Iilan dito ay ang Bitcoin, Ethereum, Litecoin, Dogecoin etc…
Maraming merchants na sa ngayon ang tumatanggap ng cryptocurrency bilang bayad.
Iilan na dito ay mga piling Airlines company, Microsoft at Paypal.
Paano ka naman kikita sa mga Cryptocurrency?
May 4 na paraan akong ibabahagi kung paano ka pwedeng kumita sa mga Cryptocurrencies na meron ngayon.
- Investment
Ang kailangan mo lang gawin dito ay bumili ng Crypto at hindi gagalawin ng ilang taon.
Buy and Hold.
Hihintayin mo lang na tumaas ang presyo ng isang crypto at saka mo ito ibebenta sa tamang panahon kapag mataas na ang presyo neto. - Trading
Dito naman ay bibili ka ng isang crypto for short term lang.
Kailangan abangan mo maya’t-maya ang presyo upang ibenta ulit ito.
Buy and Sell.
Every minute/hr kasi ay nag-iiba ang presyo ng isang crypto so kailangan lagi ka nakatutok sa chart kung gusto mo talagang kumita sa trading.
Mabilisan lang na paraan to para kumita o kaya malugi.
Dapat ay experto ka na sa pagtingin at pag-aaral ng chart kung gusto mong gawin ang crypto trading dahil baka masunog lang ang pera mo. - Mining
Siguro naman ay pamilyar ka na sa salitang pag-mimina?
Yes, maaari ka ring mag-mina ng isang cryptocurrency.
Merong ginagamit na crypto mining hardware sa pagmimina ng isang cyrptocurrency.
Meron din namang mga website na pwede mong gamitin upang makapag-mina ng isang cryptocurrency, isa na dito ang CryptoTab. - Staking
Sa staking naman ay para ka lang nag-time deposit sa banko kung saan ay nagkakaroon ng interest ang pera mo.
Ang pinagka-iba lang ay sa banko sobrang baba ng interest na ibinibigay sa’yo.
Dito sa crypto ay umaabot ng hanggang 20% kada taon at ang kagandahan pa dun ay kung tumaas din ang value ng crypto mas lalong mataas ang kikitain mo.
Ang cons lang dito sa staking ay kahit nagkaroon ng mataas na interest rate ang crypto mo ay maari ka pa rin matalo kapag buymaba ang halaga ng isang crypto.
Worthit ba mag-invest sa Cryptocurrency?
Ang sagot ko ay “Depende Sa’yo“
Lagi mo lang tandaan ang 2 bagay na ito kung gusto mong mag-invest sa isang cryptocurrency:
- DYOR (Do Your Own Reasearch)
Huwag kang basta-basta mag-invest sa kahit na anong crypto kung hindi mo pa ito kilala. Napakarami nang impormasyon ngayon sa google tungkol sa crypto kaya make sure na pag-aralan mo muna ito. - Invest Only What You Can Afford To Lose
Yes maari kang kumita sa crypto pero madali rin masunog ang pera mo dito.
Kaya huwag kang maglalabas ng pera na hindi mo kayang mawala sa’yo.
Huwag mong itaya dito ang savings mo o kaya naman pambayad sa bills mo or budget sa pang-araw-araw.
I suggest na yung extra money mo lang ang palagi mong i-invest dito kung gusto mo man itong pasukin.
Para kung sakaling mawala ito sa’yo ay hindi gaanong masakit. 🙂
Salamat sa pagbabasa. Kung may natutunan ka sa post ko na ito ay huwag kalimutang ishare at mag iwan ng comment kung may mga katanungan ka.
Kelvin Clint Quinto is a father of 5 kids, an author, blogger, vlogger, full-time online entrepreneur, and an online business coach.
After experiencing countless rejections and failures, Kelvin Clint Quinto learned the exact knowledge, skill, and mindset that an online entrepreneur must have in order to be successful.
With his 9 years of experience in the internet marketing world, he is now on a mission to help 10,000 Filipino employees start and grow an online business through his training and coaching programs.