Gusto mo bang magsimula ng sarili mong Internet Business?
Sa panahon ngayon ay wala pa rin tayong katiyakan kung kailan matatapos ang pandemic crisis na nararanasan natin ngayon.
Kung kaya, hindi natin maaasahan ang kasalukuyang trabaho o tradisyonal na negosyo na meron tayo sa ngayon dahil nga maari pa rin magdeklara ng total lockdown ang Gobyerno anumang oras dahil sa patuloy parin na pagtaas ng bilang nang nag-popositibo sa covid-19.
Kaya ngayon palang hangga’t maari ay dapat pag-aralan mo na yung iba’t-ibang paraan kung paano kumita ng pera sa internet.
Narito ang 3 Most Profitable Internet Business na maari mong simulan at pag-aralan.
- Affiliate Marketing
Ito yung pagpo-promote/pagbebenta ng produkto ng ibang tao o kumpanya kapalit ng komisyon every time na makabenta ka.
Napakaraming kumpanya ang willing na magbayad kapalit ng pagbebenta mo ng produkto o serbisyo nila.
Para sa iba pang impormasyon tungkol sa affiliate marketing ay basahin ang blogpost ko dito https://www.kelvinclintquinto.com/ano-ba-ang-affiliate-marketing. - Ecommerce
Ang lahat ng transactions na ginagawa natin online either buying or selling ay pasok sa tinatawag na ecommerce.
Sa ecommerce business model naman, ang kailangan mo lang gawin ay gumawa ng sarili mong online store at magbenta ng kahit na anong produkto mo.
Napakaraming ecommerce platform ngayon na kung saan ay makakagawa ka ng sarili mong online shop.
Isa na dito ay ang shopify.
Pero kung ayaw mo namang gumawa ng sarili mong online store ay maaari ka namang magbukas ng seller account mo sa malalaking online marketplace dito sa Pilipinas kagaya ng Lazada at Shopee.
suggested: Paano maging seller sa lazada
Ang kagandahan dito sa ecommerce business ay 100% ng benta mo ay sa’yo mapupunta. Hindi kagaya ng affiliate marketing na komisyon lamang ang matatanggap mo. - Information Marketing
Napakaraming tao ngayon ang willing na magbayad kapalit ng impormasyon na malalaman o matututunan nila mula sa’yo.
Kung meron kang skill o kaya naman may mga bagay na alam ka na sa tingin mo hindi pa alam ng iba, ay maari mo itong gawan ng eBook o kaya naman ng online course at ibenta.
Tandaan, sa ganitong business model ay hindi mo kailangan maging expert sa isang bagay na ituturo o ibabahagi mo.
Ang kailangan lang ay meron kang alam na hindi alam ng iba.
Panoorin ang video sa ibaba.
Maraming salamat sa pagbabasa. Kung may natutunan ka sa post ko na ito ay huwag kalimutang ishare at mag iwan ng comment kung may mga katanungan ka.

Kelvin Clint Quinto is a father of 5 kids, an author, blogger, vlogger, full-time online entrepreneur, and an online business coach.
After experiencing countless rejections and failures, Kelvin Clint Quinto learned the exact knowledge, skill, and mindset that an online entrepreneur must have in order to be successful.
With his 9 years of experience in the internet marketing world, he is now on a mission to help 10,000 Filipino employees start and grow an online business through his training and coaching programs.