fbpx

Paano Maging Mahirap | 6 Tips How To Get Poor Quick!

Paano Maging Mahirap?

Warning!!! Itong babasahin mo ay hango sa librong Think and Grow Poor na nabasa ng isang Haggard University Student.

Malalaman mo ang 6 tips at 100% sure way kung paano maging MAHIRAP as soon as possible.

Kahit kaylan hindi ka aasenso o yayaman kapag sinunod mo itong 6 Tips na ito.

Kapag sinunod mo itong mga steps na ito, I guarantee na magkakaron ka ng time and financial slavery.

6 Tips How To Get Poor Quick!

TIP 1 – Gumastos Ng Wagas

Pagkasahod na pagkasahod mo ganito gawin mo… Punta ka kaagad sa mall!

Punta ka dun sa mga branded na section. Bilin mo yung pinaka latest na design. Tapos bahala ka na sa buhay mo, bilin mo lahat ng magugustohan mo. Make sure na gumamit ka ng malaking cart para mas marami kang mabili.

Bumili ka ng kung ano-anong bagay. Kahit hindi mo kaylangan bilhin mo!

Kapag may bagong cellphone model na lumabas, kahit bago pa cellphone mo, bilin mo na kagad yung bago.

Di ba gusto mo na mapa bilib mga tropa mo?

Kaya OK lang ‘yan, ubusin ang pera dahil mas masarap magyabang sa barkada.

Gawin mong motto ay “Gumastos ng wagas na parang wala nang bukas

ADDITIONAL TIP: Gumamit ng credit card kapag magbabayad na para sosyal ang datingan mo.

TIP 2 – Wag Na Wag Mag-Save

YOLO! You Only Live Once. Kaya wag kang magi-ipon. Ang corny n’yan!

Ang pagiipon para lang ‘yan sa mga matatanda. Ang ipunin mo resibo ng mga pinamimili mo. Mas OK yun!

Mas masarap sa pakiramdam ang mayroon kang iphone kesa ipon.

TIP 3 – Mangutang nang Hindi Kayang Bayran

Mangutang ka kahit sa kahit kanino. At wag lang basta utang.

Dapat yung utang na siguradong hindi mo kayang bayaran.

Mas maganda kung may kakilala kang bumbay. Utang ka din dun kasi mas malaki sila tumubo five-six.

Yung tipong kada kensenas ay nagbabayad ka kasama na tubo.

Pero siguraduhin mo na hindi mo ito matatapos. Okay?

TIP 4 – Wag Mag Plano

Always go with the flow. Pag may biglaang gimik o kaya pag nagkayayaan sa outing go lang ng go. Another opportunity ito para ubusin ang pera mo.

Kaylangan mong gamitin ang strategy na madalas gamitin ng mga unsuccessful at poor.

Ang tawag dito sa strategy na ito ay “impulsive buying.”

Ito yung bili ka lang ng bili nang hindi pinag-iisipan o pinagpaplanuhan.

Basta pag may nakita kang isang bagay na gusto mo ay bilhin mo na agad, huwag na huwag ka nang mag-iisip!

Tandaan mo… Wag na wag kang magpa-plano dahil ang pagpa-plano… iyan ang pipigil sa paghihirap mo.

TIP 5 – Isang Income Source Lang

Wag ka din hahanap ng additional source of income. Mortal sin ‘yan ng pagiging poor.

Dapat isa lang ang source ng income mo. Para kapag sinuwerte ka at napatalsik ka sa trabaho… BOOOM sigurado yun poor ka kagad.

Baka mapasigaw ka pa ng OH YES! UNSUCCESS!

Pag may nakita kang kahit anong opportunity, o kaya naman may lumapit sa’yo at nag-ooffer na business opportunity ay siguraduhin mong maging close minded ka okay? Maging Negative ka!

Ang pagiging open minded ay para lang sa mga mayayaman. Maniwala ka na lahat ng bagay ay imposible.

Walang posible sa mundong ‘to. Lahat ng nakikita mo fake lahat ‘yan OK?

TIP 6 – Sumama Ka Sa Mga Negative na Tao

Ito talaga and pinaka sikreto sa paghihirap!

Makipag halubilo ka sa mga maling tao. Mga tao na may poor mindset at negative thinker.

Sila yung mga tao na tutulong sa’yo para maging mahirap ka ng mas mabilis!.

Ganito gawin mo… Hanap ka ng mga sumusunod:

#Tsimosa
#Sugarol
#Basagulero
#Batugan
#Lasingero

Tapos make sure na araw-araw ay napapalibutan ka nila.

Araw-araw mo silang kausapin at pakinggan.

Umattend ka din pag may mga gatherings ng mga negative na tao.

May nakita kang nag tsitsimisan? Lapitan mo at makipag-tsimisan ka.
May nag-iinuman sa kanto? Lumapit ka at tumagay. Makipag-inuman ka.
May nag-rarambolan? Napa-away tropa mo? Sumali ka sa gulo! Kahit na hindi mo pa alam ang dahilan.

There you have it!

Napaka effective ng mga tips na yan dahil ‘yan yung eksaktong ginagawa ng 99% ng mga Pinoy.

Kaya sigurado ako sa effectiveness nito kung gusto mong maghirap.

PS – Eh pano naman kung ang gusto mo eh maging mayaman?

May 2 Tip akong mabibigay sa’yo.

Tip 1: Gawin Mo ang Kabaliktaran ng mga Nabasa Mo Kanina.

Lahat ng 6 na Tips na nabasa mo, isa-isahin mo ulit pero ang sundin mo ay kabaliktaran ng mga ito.

Tip 2: Mag-Subscribe sa Aking Youtube Channel.

Mag subscribe ka na sa Youtube Channel ko dahil madalas ako nag-uupload ng mga content na alam ko makakatulong sa’yo upang makapagsimula at makapag-palago ng successful na online business.

Maraming salamat sa pagbabasa.

Leave a Reply

Your email address will not be published.