fbpx

Traditional or Online Business?

Napakaraming Pilipino na ngayon ang pinasok ang pag-oonline business.

Kahit yung mga dating nasa traditional business ay nakapag transition na rin sa online business.

Nangyaring lahat ng ito noong nagsimula ang pandemya.

Bakit?

Dahil tanging online business lamang ang talagang pandemic-proof na negosyo.

Yung tipong kahit magkaroon man ng lockdown ay tuloy-tuloy mo parin itong magagawa.

Sa tradional (offline) business kasi, kapag nagkaroon ng lockdown ay wala ka ring customer dahil limitado o bawal talagang lumabas ng bahay.

Ayon sa Inquirer, mahigit 90,000 na businesses ang nanatiling sarado noong 2020 dahil sa patuloy na pagdami ng covid cases sa bansa.

source: https://business.inquirer.net/308391/dti-90000-businesses-remain-closed-amid-pandemic

At dahil diyan ay napakaraming kababayan din natin ang pansamantalang nawalan ng trabaho at ang iba ay tuluyan nang nawalan ng trabaho.

Pero sabi nga, kapag nagsara ang pinto ay may panibagong bubukas.

Dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nawalan ng trabaho, ay marami rin ang naisipan na pasukin nalang ang pag-oonline business.

Dahil alam nila na sa panahon ng pandemya ay wala nang ibang paraan para kumita kundi ang pag-oonline business, dahil kahit nasa bahay lang sila ay maari nila itong gawin.

May ginawa akong video kung saan ipinaliwanag ko kung bakit nga ba mas magandang pasukin ang online kesa traditional na negosyo.

Panoorin sa ibaba:

Maraming salamat sa pagbabasa. Kung may natutunan ka sa post ko na ito ay huwag kalimutang ishare at mag iwan ng comment kung may mga katanungan ka.

kelvin clint quinto

Kelvin Clint Quinto is a father of 5 kids, an author, blogger, vlogger, full-time online entrepreneur, and an online business coach.

After experiencing countless rejections and failures, Kelvin Clint Quinto learned the exact knowledge, skill, and mindset that an online entrepreneur must have in order to be successful.

With his 9 years of experience in the internet marketing world, he is now on a mission to help 10,000 Filipino employees start and grow an online business through his training and coaching programs.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *