fbpx

Get out of Your Comfort Zone

Sa isang malayong lugar ay mayroong isang napakabuting hari. Napaka bait niya sa kanyang mga nasasakupan. Hindi lamang sa mga tao kundi sa mga hayop na nakatira sa paligid ng kaharian.

Isang araw ay may nag bigay ng regalo sa hari. Dalawang napakagandang Agila. Inalagaan niya ito hanggang sa lumaki sila. Dumating ang araw na papakawalan na ng hari ang mga agila dahil sa lumalaki na ito at hindi na mag kasya sa kanilang mga kulungan.

Nang pinakawalan na ito ng hari ay parehong lumipad ang mga agila. Yung isa ay nagpa ikot-ikot sa kaharian samantalang yung isa naman ay dumapo sa sanga ng isang puno at hindi na umalis doon.

Maghapong pinag masdan ng hari yung ibon na dumapo sa sanga ng puno at umaasang lilipad ito kapag nagutom para maghanap ng makakain. Pero sumapit ang gabi ay hindi parin umaalis ang agila sa puno.

Nag alala na ang hari dahil baka magutom ang alaga at magkasakit. Kaya naman ay agad pinatawag ang kanyang mga kawal at sinabing maghanap sila ng mga ekspyerto sa hayop para matingnan kung anong dahilan bakit hindi umaalis ang agila sa sanga.

Agad namang sinunod ito ng kanyang mga kawal at pagbalik ay may kasama na silang mga ekspyerto sa hayop. Buong araw pinag aralan ng mga ekspyerto ang agila pero hindi nila napalipad ang agila.

Lalong nag alala ang hari. Lagi na lamang nitong pinag mamasdan ang agila mula sa kanyang balkonahe.

Mayroong napadaan na isang estranghero at napansin niya sa mukha ng hari na nag aalala ito. Lumapit siya at tinanong ang hari kung mayroon ba siyang maitutulong.

Kaya kinuwento ng hari ang buong pangyayari. Hindi nagdalawang isip ang
estranghero at sinabi sa hari na payagan siyang makalapit sa agila at susubukan niyang paliparin ito.

Natawa ang hari at tinanong ang estranghero kung paano niya mapapalipad ito eh yung mga ekspyerto nga sa hayop ay hindi ito nagawa. Pero pinayagan naman ito ng hari dahil wala namang mawawala kung susubukan ng estranghero .

Lumipas ang ilang minuto ay napansin ng hari na dalawang agila na ang lumilipad at paikot-ikot ito sa kaharian. Nang bumalik ang estranghero ay agad na tinanong ito ng hari. “Anong ginawa mo at napalipad mo ang aking agila?”

Ganito ang naging sagot ng estranghero:

“Wala po akong kakaibang ginawa mahal na hari, pinutol ko lamang ang sanga kung saan nakadapo ang Agila”

Karamihan sa atin ay parang yung agila sa kuwento. Natatakot tayong sumubok sa isang bagay dahil hindi ito ang ating nakasanayan. Kagaya nung agila, lumaki siyang inaalagaan at pinapakain ng hari.

Kaya naman nung pinakawalan na siya hindi niya alam kung gaano kasarap ang mabuhay sa labas. Binigyan siya ng oportunidad ng hari na subukan ang mundo sa labas pero natakot siya dahil hindi siya sanay sa ganun.

Ikaw? Ilang beses na bang may ibang tao na lumapit sa’yo at binigyan ka ng isang napakagandang opportunity pero tinanggihan mo dahil hindi ito ang nakasanayan mo at iniisip mo na hindi mo ito kaya?

Halimbawa na lamang, yung mga taong nag alok sa’yo ng business opportunity kagaya ng Networking marahil madalas ay tinatanggihan mo ito dahil natatakot ka na maglabas ng pera, ma scam, nahihiya na malaman ng mga kaibigan o kamag anak na nag nenetworking ka, o kaya naman natatakot ka dahil hindi mo alam kung paano ito gawin.

Pero ang totoo ayaw mo lang lumabas sa iyong “Comfort Zone”

Isa sa pinaka paborito kong quote ay ito:

“Life begins at the end of your Comfort Zone” -Neale Donald Walsch

Salamat sa pagbabasa. Kung may natutunan ka sa post ko na ito ay huwag kalimutang ishare at mag iwan ng comment kung may mga katanungan ka. 

Gusto mo bang magsimulang magnegosyo pero wala kang puhunan? Kung oo ang sagot mo basahin mo to ==>>http://bit.ly/39G8XaM

Spread the love
  • 22
  • 12
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    34
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

ESCAPE 9 TO 5 JOBYour Guide To Leap From Employee To Entrepreneur