Kagaya ng MLM (Multi Level Marketing), ang Pyramiding Scheme ay gumagamit rin ng marketing strategy na kung saan kailangan mong mag recruit ng bagong miyembro.
Ang pinagkaiba lang, sa pyramiding scheme ay kailangan mong maghikayat ng bagong miyembro para kumita.
Hindi katulad sa MLM o Network Marketing na may kapalit na produkto at maari mo itong ibenta para kumita kahit wala kang ma recruit o ma invite.
Sa Pyramiding Scheme kapag wala kang nahikayat na bagong miyembro para sumali ay wala ka ring kita.
Illegal ang ganitong klaseng sistema dahil naglalabas ang mga bagong miyembro ng pera ng walang kapalit kundi pangakong kikita sila kapag may nahikayat silang bagong miyembro.
Ngayon ang tanong, “Paano mo ba malalaman kung illegal o Pyramiding ang isang kumpanya?
Narito ang 5 Tips para maka iwas sa Pyramid Scheme:
- Siyempre, una ay alamin kung may mga sapat na papeles ba ang kumpanyang ito para mag operate sa pilipinas kagaya ng Certificate of Registration mula sa BIR (Bureau of Internal Revenue), Certificate of Incorporation mula sa SEC (Security of Exchange Commission), at Business Permit.
- Alamin kung may kapalit na produkto ang iyong pag sali.
Karamihan sa mga pyramid scheme ay walang kapalit na produkto at kikita lamang sa pag recruit ng bagong miyembro.
Pero paalala lang, meron din namang mga pyramiding scheme na may produkto pero pero walang pakinabang, sasabihin lang sa’yo na hindi mo kailangang magbenta at puwede mong ipamigay ang produkto.
Dahil ang gusto ng kumpanya ay mag recruit ka lang. - Alamin mo rin kung paano ka kikita kapag miyembro ka.
Kapag sinabing kailangan mo lang mag invite ng tao para sumali, mag isip isip ka na.
Sa pyramiding scheme walang kumikita sa pagbebenta ng produkto, kaya ang pag iinvite lamang ang tanging paraan para kumita at yun ang gusto nilang gawin mo. - Isa rin sa paraan nila ay kapag sinabing madali lang kumita kahit wala kang gagawin.
Tandaan mo ” If it sounds too good to be true, it probably is.
Hindi madaling kumita sa ganitong klaseng business.
Kailangan ng sipag at tiyaga. Lahat ng yumaman sa MLM ay taon ang ginugol nila para marating ang narating nila ngayon.
Kaya kapag nakarinig ka ng salitang “kikita ka kahit wala kang gagawin” tumakbo ka na. - At siyempre ang pinaka importante sa lahat, ay gumawa ng sariling pananaliksik tungkol sa kumpanyang balak mong pasukan o kaya naman ay magtanong sa mga taong may alam tungkol sa ganitong klaseng negosyo.
Siguraduhin rin na bisitahin palagi ang SEC Advisories dahil dito nililista ng sec ang mga illegal investment companies sa bansa.
Salamat sa pagbabasa. Kung may natutunan ka sa post ko na ito ay huwag kalimutang ishare at mag iwan ng comment kung may mga katanungan ka.
Kelvin Clint Quinto is a father of 5 kids, an author, blogger, vlogger, full-time online entrepreneur, and an online business coach.
After experiencing countless rejections and failures, Kelvin Clint Quinto learned the exact knowledge, skill, and mindset that an online entrepreneur must have in order to be successful.
With his 9 years of experience in the internet marketing world, he is now on a mission to help 10,000 Filipino employees start and grow an online business through his training and coaching programs.