fbpx

5 Dahilan kung bakit kailangan mong mag-negosyo

Halos lahat naman sa atin ay gustong mag-negosyo, kaya lang ang iniisip ng iba ay hindi pa sila handa sa ganitong bagay. Hindi naman natin sila masisisi dahil may kanya-kanya tayong dahilan.

Pero bakit nga ba kailangan nating mag-negosyo? Ano-ano ba ang maidudulot sa atin kapag mayroon tayong sariling negosyo?

5 Dahilan kung bakit kailangan mong mag-negosyo:

  1. Pwede kang yumaman.
    Oo hindi ganun kadali pero posible. Napakarami nang pilipino ang yumaman dahil sa pag-nenegosyo.
  2. Mayroon kang Time and Financial Freedom
    Hindi ka na mag-mamadaling bumangon araw-araw dahil natatakot kang ma-late sa trabaho at mapagalitan ng boss mo. At higit sa lahat hindi mo narin po-problemahin pa ang pera.
  3. Magkakaroon ka ng Passive Income.
    Ito yung kumikita ka kahit hindi mo pinag-paguran. Sa pagiging empleyado kasi, kapag hindi ka pumasok ay wala kang kita. “No Work No pay”. pero kapag may negosyo ka kahit may sakit ka pa at hindi makapag-trabaho ay kumikita ka parin.
  4. Makakatakas ka sa pagiging Empleyado.
    Hindi naman masama ang pagiging empleyado dahil isa rin ito sa pinagkukunan natin ng ating pang-kain araw-araw. Pero mas masarap parin sa pakiramdam yung wala kang pinagsisilbihang amo. Yung walang nagagalit sa’yo at walang may hawak ng oras mo.
  5. Makakatulong ka sa pamilya mo at sa ibang tao.
    Ito ang pinaka-masarap kapag may negosyo ka. Mabibigay mo nang lahat ng pangangailangan ng pamilya mo at maari ka pang makatulong sa ibang tao.

Hindi ba napakasarap ng maaring mangyari sa atin kung sakaling mayroon tayong negosyo? Idagdag pa natin yung makakapunta ka sa lahat ng lugar na gusto mong puntahan at mabibili mo narin ang lahat ng gusto mong bilhin. Ang sarap pakinggan hindi ba?

Salamat sa pagbabasa. Kung may natutunan ka sa post ko na ito ay huwag kalimutang i-share at mag-iwan ng comment kung may mga katanungan ka. 

Spread the love
  • 25
  • 8
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    33
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *