fbpx

Ano ang Domain Name at Web Hosting

Madalas ka bang naka online?

Malamang iba’t-ibang website na ang napuntahan mo.

Ang Domain Name ay ang pangalan ng website na napuntahan mo.

At habang binabasa mo ang blog ko na ito ngayon ay nandito ka sa website ko.

May tatlong parte ang website url, una ay ang top-level domain, domain name at subdomain.

Kapag pinagsama-sama sila ang tawag diyan ay domain url or website url.

Ang Web Hosting naman ay kung saan mo nilalagak ang laman ng website mo.

Halimbawa mga videos, images, at iba pang files na gusto mong makita sa website mo.

Sa madaling salita, para maging live o accessible ang website o domain mo sa internet ay kailangan mo ng web hosting service.

Napakaraming web hosting service provider ngayon na makikita online.

Nariyan ang bluehost, hostgator at siyempre ang ginagamit ko at nire-rekomenda ko ay ang a2hosting.

Para sa iba pang karagdagang impormasyon tungkol sa domain name at web hosting ay panoorin ang video sa itaas.

Salamat sa pagbabasa. Kung may natutunan ka sa post ko na ito ay huwag kalimutang ishare at mag iwan ng comment kung may mga katanungan ka. 

Spread the love
  • 34
  • 22
  •  
  • 9
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    65
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

ESCAPE 9 TO 5 JOBYour Guide To Leap From Employee To Entrepreneur