Paano Gumawa ng Website at Kumita sa Blog Mo (My #1 Recommended Hosting)

Home » Business/MMO » Paano Gumawa ng Website at Kumita sa Blog Mo (My #1 Recommended Hosting)

Table of Contents

Paano Gumawa ng Website at Kumita sa Blog Mo (Beginner Guide Philippines)

A beginner-friendly guide kung paano magsimula ng website at kumita sa blog gamit ang tamang system at tools

Introduction

Gusto mo bang matutunan kung paano gumawa ng website at kumita sa blog kahit beginner ka pa lang?

Sa panahon ngayon, hindi mo na kailangan makipagsabayan sa mga sikat na content creators para kumita online. May ibang paraan—at isa dito ang paggawa ng sariling website.

Ang kagandahan nito, ikaw ang may control. Walang algorithm na kailangang habulin, at pwede mong gawing long-term income system.

Kung gusto mong maintindihan kung paano gumawa ng website at kumita sa blog, this guide will walk you through the big picture.

Bakit Website ang Isa sa Pinaka-Smart na Way Kumita Online

Maraming paraan para kumita online ngayon—freelancing, TikTok, affiliate marketing.

Pero ang website ay kakaiba.

Kapag may sarili kang blog, ikaw ang may-ari ng platform mo. Hindi ka dependent sa reach o algorithm ng social media.

Habang tumatagal, pwede itong mag-generate ng traffic at income kahit hindi ka active araw-araw.

See also  Paano Maging Seller sa Lazada (Updated 2021)

Ito yung dahilan kung bakit maraming long-term earners ang gumagawa ng website blog.

Paano Gumawa ng Website at Kumita sa Blog (Overview)

Kapag narinig mo yung paggawa ng website, parang complicated agad.

Pero kung i-breakdown mo siya, simple lang ang flow.

  • Kailangan mo ng domain name
  • Kailangan mo ng hosting
  • Kailangan mo ng platform (like WordPress)
  • Kailangan mo ng content

Ang pinaka foundation dito ay hosting.

Ito yung nagho-host ng website mo. Kung mabagal o unreliable ang hosting mo, maaapektuhan ang performance ng site mo.

Kaya importante na magsimula ka sa tamang setup.

Bakit Importante ang Tamang Hosting

Dito nagkakaroon ng malaking difference ang results ng beginners.

Maraming nagtitipid sa simula at pumipili ng random hosting, pero later on nagkakaroon ng problems tulad ng mabagal na loading, downtime, at hirap sa pag-manage ng website.

Kapag nangyari ito, naapektuhan hindi lang experience ng visitors mo kundi pati SEO ranking at income potential.

Kung gusto mong gawing seryoso ang blogging, mas magandang magsimula ka sa maayos at reliable na platform.

Personally, mas recommended ko na gumamit ng trusted hosting provider tulad ng hosting.com, lalo na kung beginner ka pa lang.

Mas madali ang setup, stable ang performance, at mas aligned siya kung plano mong palaguin ang website mo long-term.

Paano Ka Kumikita sa Blog

Ito yung exciting part.

Kapag may website ka na at may traffic ka na, pwede kang kumita through different ways.

  • Google AdSense
    Kumita ka kapag may ads na lumalabas sa blog mo at may nag-click.
  • Affiliate Marketing
    Nagre-recommend ka ng products or services, tapos may commission ka kada may bumili.
  • Digital Products
    Pwede kang gumawa ng sariling products tulad ng ebooks, courses, or templates.
See also  Ano nga ba ang Dropshipping

Personally, dito ako nagsimula kumita online.

Hindi sa YouTube. Hindi sa pagiging influencer.

Sa blogging.

Kung gusto mong maintindihan pa deeper kung paano kumita sa blog, pwede mong basahin ito:
https://www.kelvinclintquinto.com/make-money-blogging-philippines-guide/

Hindi Mo Kailangan Maging Sikat

Ito yung pinaka importante na realization.

Maraming tao ang iniisip na kailangan nilang sumikat para kumita online.

Pero sa blogging, hindi ganun.

Ang importante ay:

  • May content ka
  • May value ka
  • May system ka

Kahit hindi ka kilala, pwede kang kumita basta may traffic ang website mo.

Kung beginner ka pa lang at gusto mong makita lahat ng paraan para kumita online, you can also check:

Makakatulong ito para makita mo kung paano nagkakabit-kabit ang iba’t ibang income streams.

FAQs

2. Kailangan ba ng malaking puhunan?

Hindi. Domain at hosting lang ang main investment sa simula. Nasa around 3,000 to 5,000 pesos ang 1 year domain at hosting.

3. Gaano katagal bago kumita?

Depende sa effort at consistency mo, pero hindi ito instant.

4. Kailangan ba marunong mag-code?

Hindi. May platforms tulad ng WordPress na beginner-friendly.

5. Pwede ba ito kahit employed ako?

Yes. Maraming nagsisimula nito habang may trabaho.

Conclusion

Ang pag-aaral kung paano gumawa ng website at kumita sa blog ay hindi lang simpleng skill—isa itong long-term asset na pwede mong i-build over time.

Hindi mo kailangan maging expert agad. Hindi mo rin kailangan sumabay sa trends o maging sikat online.

Ang importante ay maintindihan mo kung paano gumagana ang system, mula sa tamang setup ng website gamit ang reliable hosting, hanggang sa pag-create ng content na pwedeng kumita through ads, affiliate marketing, at digital products.

See also  How I Stopped Being Afraid of Getting Fired

Sa paglipas ng panahon, doon mo makikita na hindi ka na lang basta nagtatrabaho para kumita—kundi nagbu-build ka ng sariling income platform.

Kung gusto mong mas maintindihan nang mas malinaw kung paano ito ginagawa, lalo na kung paano mag-set up ng website at bumili ng tamang hosting, mas okay na panoorin mo yung full video dito:

kelvin clint quinto

Kelvin Clint Quinto is a father of 6 kids, an author, blogger, vlogger, full-time online entrepreneur, and an online business coach.

After experiencing countless rejections and failures, Kelvin Clint Quinto learned the exact knowledge, skill, and mindset that an online entrepreneur must have in order to be successful.

With his 13 years of experience in the internet marketing world, he is now on a mission to help 10,000 Filipino employees start and grow an online business through his training and coaching programs.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Play soundwhat is clicknamics