Paano Kumita ng Pera sa Youtube
Alam mo ba na napakarami na ang kumikita at naging milyonaryo sa pag gamit lamang ng youtube? Hindi lamang sa ibang bansa kundi pati narin dito sa pilipinas.
Narito ang listahan ng Top 50 Youtube Vlogger/Channel dito sa pilipinas.
Marahil ang tanong mo ngayon ay kung paano sila kumikita gamit ang youtube.
Bago ko ibahagi sa’yo ang tatlong paraan kung paano kumita sa youtube, gusto ko lang linawin sa’yo na ang ituturo ko ay iilan lamang sa paraan kung paano ka kikita dito.
Napakaraming paraan ang pwede mong gawin para kumita gamit ang youtube channel mo. Pero ang ituturo ko ngayon ay ang tatlong pinaka common na paraan para kumita sa youtube.
Paano Kumita ng Pera sa Youtube
- Sell Your Own Products.
Kung meron kang sariling produkto kagaya ng Ebook, Online courses or kahit na anong physical products ay maari mo itong ilagay sa description ng bawat youtube videos mo.
Pero make sure na related sa video mo ang product na binebenta mo kung gusto mong magkaroon ng maraming sales.
2. Sell Other People’s Products.
Ito naman yung tinatawag na Affiliate Marketing. Ito yung pagbebenta ng produkto ng ibang tao kung saan ay magkakaroon ka ng komisyon sa bawat produkto nila na maibenta mo.
Ang pinaka effective na paraan para kumita dito ay gumawa ng product review/unboxing tungkol sa produkto na nabili mo at ilagay ang affiliate link mo sa description kung saan ay maari ring bumili ang mga nakakapanood ng video mo at kapag bumili sila ay magkakaroon ka ng komisyon.
Recommended: Paano Maging Affiliate ng Malalaking Online Marketplace Dito sa Pilipinas
Narito ang isang halimbawa ng product review na ginawa ko:
Bakit effective ang product review? Dahil matalino na ang mga shoppers sa panahon ngayon. Bago sila bumili ng isang produkto ay sinisiguro muna nila kung maganda ba talaga ito at makakatulong ba talaga sa problema nila. Kaya ang ginagawa nila ay nag hahanap muna sila ng product review para maka siguro.
3. Join the Youtube Partner Program (YPP)
Ito na marahil ang pinaka madali sa lahat. Bakit? Dahil sa Youtube Partner Program ay napakalaki ng posible mong kitain “kahit walang ginagawa“.
Babayaran ka ni youtube kapalit ng paglalagay ng ads sa mga videos mo.
Pero bago ka mag apply sa Youtube Partner Program, make sure na meron nang 4,000 watch hours in the past 12 months at 1,000 subscribers na ang youtube channel mo.
Pwede mong icheck dito kung eligible ka na sa YPP https://www.youtube.com/account_monetization . (Make sure na naka login ka sa youtube account mo.
Final thoughts:
Napakarami pang paraan para kumita sa youtube. Pero magagawa mo lang ito kapag nagsimula ka na ngayon. Dahil kagaya ng mga naging milyonaryo na sa youtube ay talagang hindi biro at mahabang panahon ang ginugol nila para marating ang sarap na tinatamasa nila ngayon.
Buti nalang ay may mga taong kagaya ni Clark na handang ibahagi ang kanyang kaalaman sa katulad niyang mga pilipino na nangangarap kumita at magkaroon ng time at financial freedom gamit ang youtube.
Salamat sa pagbabasa. Kung may natutunan ka sa post ko na ito ay huwag kalimutang ishare at mag iwan ng comment kung may mga katanungan ka.
Kelvin Clint Quinto is a father of 5 kids, an author, blogger, vlogger, full-time online entrepreneur, and an online business coach.
After experiencing countless rejections and failures, Kelvin Clint Quinto learned the exact knowledge, skill, and mindset that an online entrepreneur must have in order to be successful.
With his 9 years of experience in the internet marketing world, he is now on a mission to help 10,000 Filipino employees start and grow an online business through his training and coaching programs.
Comments