fbpx

How To Make Your Channel Searchable On Youtube

Hindi ba lumalabas sa search results ng youtube ang channel mo?

Well, dapat lang na tapusin mo ang pagbabasa dahil may ituturo ako sayong paraan para maging searchable sa youtube ang channel mo.

May mga pagkakataon kasi na yung ibang youtuber kapag nag search ng pangalan ng channel nila sa youtube ay hindi ito lumalabas.

Ngayon kung binabasa mo ito dahil isa ka sa naka-experience ng ganito ay sundan mo lang ang step-by-step guide na ituturo ko.

Meron kasing feature si youtube na kung saan maari kang maglagay ng mga Keyword ng channel mo para maging searchable ito kapag may taong nag search ng channel name mo sa youtube.

youtube masterclass

Sundan mo lang ang guide sa ibaba:

  1. Mag login sa youtube account mo at pumunta sa “Youtube Studio”

    youtube studio
  2. I-click ang “Settings”.

    youtube settings
  3. I-click ang “Channel” at sa “Basic Info” section ay diyan ka maglalagay ng Keywords ng Channel mo.

    youtube keywords

    Ang unang-una mong ilalagagay dapat na keyword diyan ay ang pangalan ng youtube channel mo para malaki ang chance na lumabas ang channel mo kapag may nag search sa youtube.

    Maari ka ring maglagay ng ibang keywords diyan halimbawa ay yung niche o topic ng channel mo.

    Makakatulong din kasi ito sa visibility ng mga videos mo kapag may nag search sa youtube.

    At kapag okay na ay i-click ang “Save”.

    Additional tip na rin, sa tuwing nag a-upload ka ng bagong video sa youtube ay pwede mong ilagay sa bawat title o sa tags ang pangalan ng channel mo.

    Para kapag may nag search ng channel name mo sa youtube ay hindi lamang ang channel mo ang lalabas kundi pati narin ang mga videos mo.

    kelvin clint quinto

Panoorin ang video sa ibaba: How to make your youtube channel searchable on youtube.

Salamat sa pagbabasa. Kung may natutunan ka sa post ko na ito ay huwag kalimutang ishare at mag iwan ng comment kung may mga katanungan ka.

kelvin clint quinto

Kelvin Clint Quinto is a father of 5 kids, an author, blogger, vlogger, full-time online entrepreneur, and an online business coach.

After experiencing countless rejections and failures, Kelvin Clint Quinto learned the exact knowledge, skill, and mindset that an online entrepreneur must have in order to be successful.

With his 9 years of experience in the internet marketing world, he is now on a mission to help 10,000 Filipino employees start and grow an online business through his training and coaching programs.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *